Ikalawang Konsilyo ng Constantinople
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Ikalawang Konsilyo ng Constantinople | |
---|---|
Petsa | 553 CE |
Tinanggap ng | Romano Katoliko, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso |
Nakaraang konseho | Konsilyo ng Chalcedon |
Sumunod na konseho | Ikatlong Konsilyo ng Constantinople |
Tinipon ni | Emperador Justinian I |
Pinangasiwaan ni | Patriarka Eutychius ng Constantinople |
Mga dumalo | 152 (kabilang ang 7 mula sa Aprika, 9 mula Illyricum, wala mula sa Italya) |
Mga Paksa ng talakayan | Nestorianismo Origenismo |
Mga dokumento at salaysay | 14 mga kanon ng Kristolohiya at laban sa Tatlong mga Kabanata. 15 kanon na kumokondena sa katuruan ni Origen at Evagrius. |
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal |
Ang Ikalawang Konsilyo ng Constantinople ang konsilyo na kinikilalang Ikalimang Konsilyo Ekumenikal ng parehong Kanluran at Silangang Kristiyanismo. Ito ay kinikilala ng Silangang Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano at Lumang Katoliko. Ang mga opinyong Protestante ay iba iba. Ang mga tradisyonal na Protestante gaya ng Calvinismo at Lutherano ay kumikilala sa unang apat na mga konsilyo[1] samantalang ang Simbahang Mataas na Anglikano ay tumatanggap sa lahat ng pitong konsilyong ekumenikal. Ang konsilyong ito ay tinipon ni Emperador na Byzantine na si Justinian I sa ilalim ng pagkapangulo ng Patriarka Eutychius ng Constantinople at idinaos mula Mayo 5 hanggang Hunyo 2, 553 CE. Ang karamihan ng mga kalahok ng konsilyong ay mga obispong Byzantine(Silangang Kristiyanismo). Ang 16 mga obispo ng Kanluraning Kristiyanismo ay dumalo dito kabilang ang mula sa Illyricum. Ang pangunahing naisakatuparan ng konsilyong ito ang pagkumpirma ng pagkokondenang inisyu ng utos noong 551 ng Emperador na Byzantine na si Justinian laban sa Taltong mga Kabanata at Schismong Tatlong mga Kabanata. Ang "Tatlong mga Kabanata" ang: una, ang parehong pagkatao at mga kasulatan ni Theodore ng Mopsuestia (namatay noong 428 CE), ikalawa, ang mga pag-atake kay Cyril ng Alexandria at Unang Konsilyo ng Efeso na isinulat ni Theodoret ng Cyrrhus (namatay noong ca. 466E), at ikatlo, ang pag-atake kay Cyril at Efeso ni Ibas ng Edessa (namatay noong 457).[2] Ang layunin ng pagkondena ay gawing maliwanag na ang Imperyal na simbahang Chalcedonian(na kumikilala ng pagkakaisang hypostatiko ng Kristo bilang dalawang kalikasan na isang diyos at tao na nagkakaisa sa isang persona na walang kalituhan at dibisyon) ay matibay na sumasalungat sa lahat ng mga humimok o tumulong kay Nestorius na eponimosong heresiarko ng Nestorianismo na proposisyong ang Kristo at Hesus ay dalawang magkahiwalay na mga person na maluwag na pinagsanib na medyo tulad ng adoptionismo at ang Birheng Marya ay hindi matatawag na Ina ng Diyos(Theotokos) ngunit isa lamang ina ng Kristo(Christotokos) na unang kinondena sa mas naunang Unang Konsilyo ng Efeso noong 431 CE.[2] Umasa si emperador Justinian na ang konsilyong ito ay mag-aambag sa muling pagkakaisas sa pagitan ng mga Chalcedonian at monopisita sa mga silanganing probinsiya ng Imperyo. Ang ilang mga pagtatangka sa muling pagkakasunod sa pagitan ng mga partidong monopisita at ortodokso ay ginawa ng maraming mga emperador sa loob ng 400 taon kasunod ng Konsilyo ng Efeso ngunit wala sa mga ito ay nagtagumpa. Ang pagkokondena ng Tatlong mga Kabanata ay nagsanhi ng karagdagang mga pagkakabahagi at paglitaw ng mga heresiya sa proseso gaya ng schismo ng Ikatlong mga Kabanata at ang monoenerhismo at monotelitismo na mga respektibong proposisyon na ang Kristo ay may isa lamang katungkulan, operasyon o enerhiya(Ito ay sinadyang pinormula sa paraang malabo at hinayag na opisyal sa pagitan ng 610 CE at 622 CE ni Emperador Heraclius sa ilalim ng pagpapayo ni Patriarka Sergius I ng Constantinople) at si Kristo ay may isa lamang kalooban(na hinayag ni Emperador Heraclius noong 638 CE).[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ See, e.g. Lutheran-Orthodox Joint Commission, Seventh Meeting, The Ecumenical Councils, Common Statement, 1993, available at http://www.helsinki.fi/~risaarin/lutortjointtext.html#ecum ("We agree on the doctrine of God, the Holy Trinity, as formulated by the Ecumenical Councils of Nicaea and Constantinople and on the doctrine of the person of Christ as formulated by the first four Ecumenical Councils.").
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Davis, SJ, Leo Donald (1990). The First Seven Ecumenical Councils (325-787): Their History and Theology (Theology and Life Series 21). Collegeville, MN: Michael Glazier/Liturgical Press. pp. 342. ISBN 978-0814656167.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)