[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Independiyenteng musika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa musika, ang independiyenteng musika o, Independent music sa Inggles, na madalas pinaiikli sa indie music, o kahit "indie" lang, ay salitang ginagamit para itukoy ang pagsasarili mula sa mga malalaking pangkalakalan (commercial) na record labels, at ang pagtaguyod sa kanilang Do-It-Youself approach sa pagtatala at paglalathala ng musika.

Independiyenteng Record Labels

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga independiyenteng label ay may mahabang kasaysayan ng pagpapataguyod ng mga pagbabago sa papular na musika, mula pa noong katatapos lang ng digmaan sa United States, tulad ng Sun Records, King Records, Stax, atbp.[1]

Sa United Kingdom noong 1950's at 1960's, ang mga malalaking record companies ay sobrang makapangyarihan, kaya ang maliliit at nagsasariling record labels ay naghirap upang makilala. Ilang mga alagad ng sining na musika sa Britain ay nag tayo ng sarili nilang independiyenteng label bilang mailabas ang sarili nilang gawa, at ng mga iba pang musikero na gusto din nila ang trabaho, ngunit ang karamihan ay hindi nagtagumpay bilang pangkalakalan (commercial) na gawain, o di kaya'y natalo ng mga malalaking kompanya.

Sa Estados Unidos, ang mga independiyenteng label at distributor ay madalas nagsasama upang makabuo ng mga organisasyon na nagtataguyod ng pagkakalakal at pagkakapare-pareho ng mga nasa loob ng industriya. Ang National Academy of Recording Arts and Sciences (NARAS), na sikat bilang ang organisasyon na nagsimula ng Grammy Awards, ay nagsimula noong 1950's bilang isang organisasyion ng 25 maliliit na record labels, bilang na dito ang Herald and Ember Recors. at Atlantic Records. Ang 1970's ang nagdala sa atin ng pagbubuo ng National Association of Independent Record Distributors (NAIRD) na naging A2IM noong 2004. Mayroon din mga mas maliliit na organisasyion, kabilang na dito ang Independent Music Association (IMA), na itinayo ni Don Kulak noong 1980's. Sa kaitaasan ng IMA, nagkaroon ito ng 1000 independiyenteng label. Noong 1990's itinayo ang Affiliated Independent Record Companies (AIRCO), ang pinaka sikat na miyembro ay ang punk-thrash label na Mystic Records at ang Independent Music Retailer's Association (IMRA), ang organisasyon na itinayo nina Mark Wilkins at Don Kulak at sandali lang nabuhay. Ang IMRA ay sikat dahil sa kasong dinaanan nito tungkol sa co-op na perang ipinadala nito sa ngalan ng sa sa kanilang mga miyembro, ang Digital Distributors.

Noong bandang huling 1980's, ang taga-Seattle na Sub Pop Records ang nasa kalagitnaan ng usong "grunge scene". Noong 1990's hanggang 2000's, nang ang pagkakauso ng MP3 files at ng digital download sites tulad ng iTunes ng Apple, nagbago ang industriya. Ang Neo-soul scene ay rumaos mula sa urban Underground soul scene ng London, N.Y.C., Philadelphia, Chicago, at L.A..

Independent artists and technology

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang teknolohiya ng Internet ay tumulong sa mga musikero upang maipakita ang kanilang mga gawain sa tila mas madamaing tao, sa mas mababang halaga nang hindi sumasali sa malalaking kompanya.[2] Ang disenyo ng digital music software ay nakakatulong sa pagkakilala ng bagong musika. At ang pagkakilala sa bagong musika ay nakagagawa ng mas marami at bagong opurtunidad para sa mga independyenteng banda. Royalties mula sa mga digital na mga serbisyo ay maaaring maging mahalagang pagkunan ng kita. Kung ang isang musikero nagbayad upang i-record, gawin, at isulong ang kanilang album, mayroong maliit, o walang karagdagang gastos para sa mga independiyenteng musikero na ipamahagi ang kanilang musika sa internet.[3] Ang digital na serbisyo ay nag-aalok ng pagkakataon ng pagkakalantad sa mga bagong tagahanga at ang posibilidad ng dagdag sa benta sa pamamagitan ng mga online sales. Maaari ring mas madalas at mas madali makapaglabas ng musika ang mga banda sa internet. Bilang karagdagan, ang mga musikero ay maaaring maglabas ng mga limited edition na print, o live na materyal na maaaring masyadong mahal upang magawa sa pamamagitan ng tradisyunal na paraan. Walang limitasyon sa magagawa ng mga alagad ng sining sa internet.

May mga independyenteng musikero na gumamit ng Internet upang kumita at mabayaran ang susunod nilang proyekto. Umaasa sila sa mga serbisyo tulad ng ArtistShare o gamit ang sarili nilang website. Halimbawa, ang singer-songwriter na si Jill Sobule ay nilabas ang kanyang album na "California Years", noong 2009, at kumita ito ng $90,000 sa online sales.

Sa pagdating ng mga mas bago, at kadalasan ay mas murang gamit pangrecord ng musika, mas dumadami na ang mga indibiduwal na nagiging interesado, at nakakagawa ng musika ngayon. Ang mga musikero ay nakakapag eksperimento sa kanilang gawa, at lumalawak ang mga ideya sa paggawa ng kanta.

Ang mga kontrata ng indipendiyenteng label ay tulad din ng mga kontrata ng mga mas malalaking kompanya, dahil pareho sila ng mga legal na obligasyon na kinakailangan ipakita bago irepresenta ang isang musikero. Subalit meron parin itong mga pagkakaiba pagdating sa royalties, presyo ng studyo, atbp. Dahil sa mas mababang perang maaring gastusin, mas mababa ang nagagastos sa pagbenta, pagmarket, at pag promote dito.

Hindi man madalas nangyayari, gawain din minsan ang "profit-sharing" deals, kung saan nakakakuha ang musikero ng 40-50% ng kinitang pera. Kapag naibawas na sa kinita sa isang concert ang ibang gastusin, paghahatian ng label at ng muikero ang natira ayon sa kanilang kasunduan.

Ang mga maliliit na label ay umaasa din sa "word of mouth" para sumikat at makilala. Umiiwas sila sa mga stratehiya ng pagbenta na mataas ang gastusin, at nakakatulong ito sa pagbaba ng kabuuang gastusin ng kompanya, at sa pagtaas ng maaaring ibigay sa mismong musikero. Madalas ay pinapanuod at hinihintay ng mga malalaking kompanya na sumikat ang isang musikero, at saka nila ito aalukin ng hindi maiaalok ng pinanggalingan ng musikero.

Kung ang isang banda o musikero ang sumusulat ng sarili nilang mga kanta, ang pagpapahayag ang isa sa pinaka magandang paraan upang kumita ng pera. Ang mga copyright law ay pinoprotektahan ang mga manunulat sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila, at sa kanila lamang ng karapatang na magdesisiyon kung papayag sila sa mga nagnanais kopyahin, ipamigay, o ipalabas ang trabaho nila. Karamihan sa mga kinikitang pera ng mga banda sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nanggagaling sa kanilang mekanikal at performance rights. Ang mekanikal na karapatan ay tumutukoy sa paggamit ng isang kanta sa kanilang plaka. Ang mga karapatan naman ng performer ay nabibilang sa tuwing ipapalabas siya sa telebisiyon o radyo.

  1. Rogan, Johnny (1992) "Introduction" in The Guinness Who's Who of Indie and New Wave Music, Guinness Publishing, ISBN 0-85112-579-4
  2. Leyshon, Andrew, et al. "On the Reproduction of the Music Industry After the Internet." Media, Culture, and Society, Vol. 27. 177–209.
  3. "An Independent's Guide to Digital Music." Naka-arkibo 2010-01-02 sa Wayback Machine..