[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

History Channel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
History
Slogan"History: Made Every Day"
Sentro ng operasyonNew York City, United States
Pagpoprograma
Anyo ng larawan480i (SDTV)
720p (HDTV)
Pagmamay-ari
May-ariA&E Television Networks
Disney-ABC Television Group (42.5%)
Hearst Media (42.5%)
NBCUniversal (15%)
Kapatid na himpilanH2
A&E Network
The Biography Channel
Military History
History en Español
Lifetime
Crime & Investigation Network
Kasaysayan
Inilunsad1 Enero 1995 (1995-01-01)
Dating pangalanThe History Channel (1995–2008)
Mga link
Websaytwww.History.com
Mapapanood
Pag-ere (panlupa)
(terrestrial)
Selective TV Inc.
(Alexandria, MN)
K52DZ (Channel 52)
Pag-ere (kable)
Available on most American cable systemsCheck local listings for details
Verizon FiOSChannel 128 (SD)
Channel 628 (HD)
Time Warner CableChannel 40
Pag-ere (buntabay)
(satellite)
DirecTVChannel 269 (SD/HD)
Channel 1269 (VOD)
Dish NetworkChannel 120 (SD/HD)
Dish Network MexicoChannel 409 (956 in HD)
DStvChannel 254
Astro (Malaysia)Channel 555 (SD)
Channel 575 (HD)
Skylife (Korean)Channel 82(HD)

Ang History, dating kilala bilang History Channel, ay isang pang internasyonal na satelayt at estasyong pantelebisyon na naghahayag ng iba’t ibang makatotohanang palabas at mga dokumentaryong programa maging kathang isip o makatotohanang mga makasaysayang nilalaman, kasama na ang mga haka-haka ukol sa hinaharap

Ang History ay inilunsand noong 1 Enero 1995 (bilang History Channel).[1] . Ang nagmamay-ari ng estasyon ay ang A&E Television Networks, pinagsamang kompanya ng Hearst Entertainment, Disney-ABC Television Group at ng NBC Universal (Comcast),[2] na ipinapalabas, sa iba’t ibang paraan sa Kanada, Alemanya, Inglatera, Australya, Niyusiland, Portugal, Irlanda, Israel, Espanya, Poland, Italya, Turkey, Olanda, Belgium, Romanya, Serbya, Timog Africa and Latin Amerika. Ang estasyon ay naroon din sa Timog Asia sa pagitan ng isang ugnayan ng STAR TV at AETN International hanggang 21 Nobyembre 2008. Ang estasyong ay patuloy na nagbibigay ng kalakasang marka sa Estados Unidos na maikukumpara or hihigitan pa ang A&E Network. Noong 16 Pebrero 2008, nailunsad ang bagong logo sa pang Amerikanong pagsusubaybay sa estasyon. Habang pinatili ang simbolong “H” ang tatsulok na hugis sa kaliwang bahaga ng logo ay nagsisilbing pangsulong na pindutan para sa mga animasyon kapag patalastas at mga palabas. Noong 20 Marso 2008, tinanggal The History Channel ang “The” at “Channel” sa pangalan nito at itinira ang payak na pangalang “History”[3]

Padron:POV section Ang mga palabas sa Estasyon ay may malawak na saklaw ng panahon at paksa habang ang mga magkakaparehas na paksa ay kadalasang naisasangguni sa mga linggo na may tema or minsan ay mga pangarawaraw na marathon. Ito ay nasusubaybayan ng mahigit walong milyong sambahayan. Ang mga paksa sa nasabing estasyon ay tungkol sa kasaysayan ng military, medyebal na kasaysayan, ang ikalabing walo, ikalabing siyam, ikadalawampu, at ika dalawampu’t isang siglo, mga makabagong inhenyerehiya, mga makasaysayang talambuhay, metapisikong paksa, kathang isip na nilalang, halimaw, UFOs, mga nilalang galing sa labas n gating mundo, mga drayber ng mga trak, mga nangangaso ng buwaya, mga sanglaan, mga naghahanap ng mga kakaiba at pambihirang mga bagay, relihiyon, mga sakuna, at mga eksenang nagbibigay pansin sa katapusan ng mundo; kung saan marami sa mga dokumentaryong nagawa ay isinalaysay ni Edward Herrmann. Ang Ibang mga programa ay naghahalintulad ng mga kapanahong kultura at mga teknolohiya noong nakaraan, habang ang ibang mga palabas ay nagbibigay diin sa mga paksang teoryang pagsasabwatan, mga interpretasyon ukol sa relihiyon, mga haka-haka tungkol sa mga UFO at iba’t ibang palabas na makatotohanan. Sa kabilang banda, ang History Channel ay nagpalabas ng iba’t ibang pelikula tungkol kay Nostradamus, sa mga spekulasyon tungkol sa katapusan ng mundo na nagpapakita ng iba’t ibang teorya ngayong 2012, nagpahayag din sila ng mga pelikula na pinamagatang Decoding the Past (2005–2007), 2012, End of Days (2006), Last Days on Earth (2006), Seven Signs of the Apocalypse (2007), and Nostradamus 2012 (2008).[4]

Ebalwayson at Kritisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang History noon, particular noong 1990’s, ay pabirong tinukoy bilang "The Hitler Channel"[5] dahil sa malawakang mga programa nito tungkol sa Ika-2 Digmaang Pandaigdig, kung saan nailipat na ang mga paksang pangmilitar sa mga ibang kompanyang kaakibat ng History. Military History,at ang estasyon ngayon at naglalabas na ng mga iba’t ibang mga paksa ukol sa kasay at sa mga pangyayari sa hinaharap.

Ang pang Estados Unidos na nakabaseng estasyon ay nakatanggap rin ng mga puna dahil sa pagkakaroon ng mga bias ukol sa pang Amerikanong Kasaysayan", sa kabilang banda ang isa pang kaikabat na estasyon na, History International, International ay mayroon mas malawak na mga programa tungkol sa mga kasaysayan ng mga bansa sa labas ng Estados Unidos. Noong 2001, ang History International ay pinalitan ng pangalang H2at muling nagkaroon ng mas maraming detalye ukol sa kanilang bansa.[6]

Ang estasyon ay muling pinuna ni Stanley Kutner dahil sa mga kontrobersiyal na palabas na pinamagatang The Men Who Killed Kennedy noon 2003; Si Kutner ay isa sa tatlong mga manananaysay na naisapwesto upang magkaroon ng kaukulang pangsusuri nag nasabing dokumentaryo kung saan ang estasyon ay pumayag na wag na ulet palabasin ang kontrobersiyal na palabas. Sa kabilang banda, ang mga programa gaya ng [7] Modern Marvels Marvels ay pinuri para sa kanilang presentasyon dahil sa magandang paglalathala ng mga makabong istraktura at mga detalyadong mga impormasyon na nakakapag bigay aliw sa mga manonood.[8]

Sa mga ibang serye naman, kasama na ang mga palabas na Ice Road Truckers, Ax Men and Pawn Stars ay humataw naman ng matataas na marka sa Estados Unidos kahit na may mga iba’t ibang mga puna dahil sa pagiging hindi angkop sa kasaysayan ng mga nasabing palabas. Si Brad Lockwood, naging mahalaga ang papel sa Forbes.com .[9] , ay pinuna ang Estasyon sa pagkakaroon ng mga programa ukol sa mga halimaw, nilalang na wala sa ating mundo at mga pagsasabwatang teorya kung saan inilahad niya ang mga magandang pagtanggap ng mga tao ay nagbibigay diin na magkaroon ng aliw imbis na mga programang pangkasaysayan lamang. Ang senator naman ng Estados Unidos na si Chuck Grassley ay naglahad na ang mga programa ng History ay nagkukulang ng mga impormasyon at nilalamang pangedukasyon at pangkasaysayan.[10]

Dumako tayo sa libro ni Peter Lemesurier na 2012: It's Not the End of the World, inilihad niya dito na ang serye ng nasabing estasyon ukol kay Nostradamus ay kathang isip at walang saysay. Binatikos rin niya ang mga nakakalitong mga puna ukol sa paghahayag ng katapusan ng mga Maya at ang pangkalawakang paghahanay na inilahad ni John Major Henkins kung saan inilarawan niya na ito ang magiging mitsa ng katapusan.

Noong Disyembre 2011, ang Politifact ay nagbigay sa History Channel ng pahayag na ang kongreso ng Estados Unidos ay nanatiling bukas nung pasko na una sa 67 na taon nito kung saan nagkaroon ito ng mababang markang pagtanggap dahil hindi ito makatotohanan. Ang pahayag ay unang nailathala sa palabas ng estasyon na “Christmas Unwrapped - The History of Christmas” kung saan nakuha rin ito ng American Civil Liberties Union's at ang Comedy Central na may palabas na Daily Show. Noong susunod na araw, nagpahayag ang Daily Show na pagkakamali nilang nagtiwala agad sila sa mga sinabi ng History.

  • The Unknown Hitler DVD collection,[11] including Hitler and the Occult
  • Dogfight: Serye 1 DVD set
  • The Great Depression Koleksiyong DVD

Larong Pang Video

[baguhin | baguhin ang wikitext]

International

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hilagang America

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang History ay di dapat magbigay kalituhan kung ikukumpara sa , History Television. na isang serbisyo na gawa sa Kanada. Noong unang mga taon na inilabas ito, isiniad na hindi ito pwedeng mapanuod sa kanada dahil sa mga patalastas ng nasabing Estasyong na iniimport papuntang Canada gaya ng A&E.[12]

Ang bersyon ng mga Olandes ay nailahad noong mayo 1, 2007. Itong Bersyon na ito at naikalat ni Chello Benelux (isang subdivision ng Chellomedia).[13] . Noong Enero, 2008 naman, ang History HD ay nailahad sa Olanda kung saan ito ay mapapanuod sa mga estasyong UPC Netherlands at Ziggo. Maari rin itong masubaybayan sa IPTV KPN.

Ang bersion naman ninyo sa Poland ay nailahad nong 9 Abril 2008 na maaring mapanuod sa mga estasyong Aster, Dialog, Toya at UPC Polska. Simula 2 Nobyembre 2009 napapanuod na rin ito sa Cyfra+ platform sa estasyon.

Ang bersyong pang scandinabyan ay nailunsan noong Setyembre 1997, kung saan ito ay maaring mapanuod ng tatlong oras hanggang apat na oras kada isang araw sa Viasat platform. Noong una ay mayroon pagbabahagi ng oras kasama ang TV1000 Cinema, ngunit napalitan rin ng Swedish TV8 na estasyon at nagpatuloy na mapalabas hanggang 2004 noong mailunsad ang sariling pangkasaysayang estasyon na Viasat History, , sa rehiyon ng Nordic at naipasara ang History Channel. Noong 1 Pebrero 2007, muling naibalik ang estasyon sa Denmark, Norway, Finland at Sweden noong naipalabas ang bersyon sa UK bilang isang channel sa Canal Digital satellite platform.[kailangan ng sanggunian]satellite na istraktura.

Nailunsad ang History Channel noong 1 Pebrero 2007 sa Canal Digital DTH satellite package para sa mga manonood sa Norway, Sweden, Denmark at Finland. Ang nasabing estasyon ay nailunsad ng History Channel UK, A&E kaakibat ang BSkyB. Kahit na ipinalabas ito sa wikang Ingles, ang estasyon ay nakaskedyul na iba kaysa sa bersyon ng UK. May mga iba ring mga ibang bersyon ang The History Channel sa Subsaharan Afrika at Gresya. The Biography Channel and Crime & Investigation Network ay ilulunsad na rin sa Nordic market. [kailangan ng sanggunian]

Ang History Channel ay nagsimulang ipalabas sa India noong huling bahagi ng 2003, kasama ang News Corp's STAR abilang isa sa kanilang mga kasosyo na pinapamahalaan ng National Geographic[14] hanggang 21 Nobyembre 2008. Noong 2011, Ang Estasyong na ito ay binigyang permiso na mailunsad muli sa India. Ang pagsososyo ng AETN at Astro All Asia Networks is launching the History Channel ay nagbigay daan upang maipalabas ang History sa Singapore, Hongkong, Thailand, the Philippines, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Brunei noong kalahating banda ng 2007 at sa Taiwan at China bago magtapos ang taon rin na iyon. Ang ibang mga bansa sa asya gaya ng Israel at japan ay mayroon ng kanilang bersyon ng estasyon. Noong 1 Setyembre 2008 ang estasyon ay opisyal na nailunsad sa Singapore, Hongkong, Japan, Timog Korea at Pilipinas.[15][16][17][18]

Latin America

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bersyon naman sa latin Amerika ay nailunsad noong 2001. Ang may ari nito ay ang A &E Network at pinapamahalaan ng HBO Latin America Group.Ito ay ipinapalabas kasabay ang bersyon ng estados unidos na naisalin sa iba;t ibang wika.[kailangan ng sanggunian]

  1. Winfrey, Lee. "Golf Channel tees off Tuesday, joining History Channel as new cable fare", Knight Ridder/Tribune News Service, 16 Enero 1995. Retrieved 28 Pebrero 2011 from HighBeam Research.
  2. "About AETN". AETN.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-09. Nakuha noong 4 Agosto 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. International Herald Tribune Television's The History Channel Drops 'The' and 'Channel' from Its Name, Keeps History 20 Marso 2008
  4. See its own online publicity for its Armageddon series here
  5. Schone, Mark. "All Hitler, All the Time" Naka-arkibo 2012-01-29 sa Wayback Machine., Salon.com, 8 Mayo 1997.
  6. "Time traveler's guide to the Roman Empire". Channel4.com. Nakuha noong 4 Agosto 2007. The History Channel: The website of the American cable channel has a bias towards American history, as evidenced by Extreme History with Roger Daltrey {{cite web}}: line feed character in |quote= at position 21 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Stanley Kutner (4 Hulyo 2004). "Why the History Channel Had to Apologize for the Documentary and the fact that it doesnt show history that Blamed LBJ for JFK's Murder". History News Network. Nakuha noong 4 Agosto 2007. The History Channel has made a start in the right direction as it has totally disavowed the program and publicly promised it never will be shown again.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Scott Weinberg (29 Mayo 2007). "Modern Marvels: Technology". DVD Talk. Nakuha noong 4 Agosto 2007. If you're trying to throw your kids a little education, but in a fast-paced and colorful presentation, these "Modern Marvels" series come pretty highly recommended. Then again, I'm a mid-30s guy and I'm learning tons of new stuff from these programs. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  9. Lockwood, Brad. "High Ratings Aside, Where's the History on History?". 10/17/2011. Forbes. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Malone, Noreen (20 Marso 2012). A brief history of Chuck Grassley's history with the History Channel. New York magazine. Retrieved 2 Abril 2012.
  11. The History Channel Online Store: The Unknown Hitler DVD Collection Naka-arkibo 2007-11-06 sa Wayback Machine.
  12. "Librarian and Information Science News". LIS News. Nakuha noong 4 Agosto 2007. I always wondered why the History Channel commercials said not available in Canada.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  13. Robert Briel (5 Abril 2007). "History Channel comes to Benelux". Broadband TV News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Indiantelevision.com's interview with NGC India managing director (South Asia) Zubin Jehanbux Gandevia". Indiantelevision.com. 20 Disyembre 2003. Nakuha noong 15 Oktubre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. History HD channel launched on SkyLife in Korea Naka-arkibo 2011-07-14 sa Wayback Machine. retrieved via www.medianewsline.com 5 Mayo 2009
  16. History HD to launch in Japan retrieved via www.aetninternational.com 09-30-2008
  17. History Channel Asia HD launched on SkyCable Philippines Naka-arkibo 2009-05-11 sa Wayback Machine. retrieved via www.skycable.com 6 Setyembre 2009
  18. The History Channel HD to launch in Singapore and Hong Kong Naka-arkibo 2009-01-30 sa Wayback Machine. retrieved via www.aetninternational.com 08-26-2008

Panlabas na Ugnayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]