[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hellboy (pelikula ng 2004)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hellboy
Karatulang pang-sinehan
DirektorGuillermo del Toro
PrinodyusLawrence Gordon
Lloyd Levin
Mike Richardson
IskripGuillermo del Toro
KuwentoGuillermo del Toro
Peter Briggs
Ibinase sa
Itinatampok sinaRon Perlman
Rupert Evans
Doug Jones
Selma Blair
Karel Roden
Ladislav Beran
John Hurt
Jeffrey Tambor
MusikaMarco Beltrami
SinematograpiyaGuillermo Navarro
In-edit niPeter Amundson
Produksiyon
TagapamahagiColumbia Pictures
Inilabas noong
2 Abril 2004 (2004-04-02)
Haba
122 minutes (Theatrical Cut)
132 minutes (Director's Cut)
BansaPadron:Film US
WikaEnglish
Russian
Badyet$66 million[1]
Kita$99,318,987[1]

Ang Hellboy ay isang supernatural superhero na pelikulang pinalabas nang taong 2004. Sa direksiyon ni Guillermo del Toro, ito'y pinangunahan nina Ron Perlman, John Hurt, at Selma Blair. Ang pelikulang ito ay binatay sa istorya ng Dark Horse Comics na Hellboy: Seed of Destruction ni Mike Mignola. Ito'y ipinamahagi ng Revolution Studios at Columbia Pictures. Ito'y tungkol sa isang halimaw ng diyablo kilala bilang Hellboy na palihim na nagsisikap para protektahan ang mundo mula sa paranormal na mga banta.

Ang kabuuang kita nito sa Estados Unidos ay $59 million at $99 million naman sa buong mundo.[1] Pinaboran ito ng mga kritiko kaya pinalabas ang karugtong nito, ang Hellboy II: The Golden Army, noong taong 2008.[2]

Noong taong 1944, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga Nazi ay gumagawa ng dimensional portal. Sa tulong ng mistikong Ruso na si Grigori Rasputin (Karel Roden), balak nilang palayain ang Ogdru Jahad - mga kasumpa-sumpang halimaw na bilanggo ng ibang dimensiyon - para tulungan silang talunin ang Allies. Alam ni Rasputin na sa halip ay ito'y magsasanhi ng katapusan ng mundo't magdadala ng bagong paradiso. Nagtagumpay siya sa pagbukas ng portal sa tulong ng kaniyang mga alagad, sina Ilsa von Haupstein (Bridget Hodson), Obersturmbannführer, at Karl Ruprecht Kroenen (Ladislav Beran) - alagad ni Adolf Hitler. May munting grupong pinadala ang Allies para sirain ang portal. Ito'y sa gabay ni Professor Trevor "Broom" Bruttenholm (John Hurt). Napatay ang ilang mga Aleman at nasira nga ang portal ngunit nahigop nito si Rasputin. Nakatakas naman ang kaniyang mga alagad na si Haupstein at Kroenen. Nadiskubre ni Broom ang sanggol na halimaw ng diyablo na may batong kanang kamay na nagmula sa portal. Tinawag nila itong "Hellboy".

Makalipas ang 60 na taon, isang ahente ng FBI na si John Myers (Rupert Evans) ay nailipat sa Bureau of Paranormal Research and Defense (BPRD) ni Broom. Doon ay nakilala niya si Hellboy (Ron Perlman) at saykikong amphibious humanoid na si Abe Sapien (Doug Jones, boses ni David Hyde Pierce). Nalaman niya din na ang pangatlong kasapi ng BPRD, si Liz Sherman (Selma Blair), ay kamakailan lang na pumasok sa mental hospital para maprotektahan 'yung iba mula sa kaniyang sumpungin na pyrokinetic abilities. Sa kabila ng madalas na pagbisita at pagsusuyo mula kay Hellboy, determinado parin siyang hindi na bumalik sa BPRD. Samantala, binuhay muli ni Kroenen at Haupstein si Rasputin sa Moldova.[3] Pinakawalan nila ang isang hellhound - halimaw na aso - na kilala bilang Sammael (Brian Steele). Binasbasan ni Rasputin si Sammael ng kapangyarihang muling mabuhay at biyakin ang kaniyang diwa upang dalawang itlog nito ay mabiyak at tumanda bigla sa bawat pagkamatay ng isa. Binisita rin ni Rasputin si Liz habang siya ay natutulog at puwinersa siya na sunuging ang halos buong ospital. Dahil dito'y nakumbinsi siya ni Myers na bumalik sa BPRD.

Ang abilidad ni Sammael na makapagparami ay naging isang malaking problema dahil dumami nang dumami ang halimaw sa paulit-ulit na pagpatay ni Hellboy. Habang naghahanap ng mga halimaw ay nasugatan si Abe at kritikal na nasugatan rin ang isa pang ahente dahil kay Kroenen. Si Kroenen, na ang luray na katawan ay pinapatakbo ng makina, ay nagpanggap na natalo't dinala siya sa BPRD. Galit ang direktor ng FBI na si Tom Manning (Jeffrey Tambor) sa pagkawalang-bahala ni Hellboy. Binantaan ni Hellboy si Manning nang bumalik si Liz, na muntikan nang magpaalis muli sa kaniya. Lumabas si Myers at Liz para mag-kape at mag-usap. Nagselos si Hellboy kaya sinundan niya sila. Nagpakita si Rasputin sa BPRD, binuhay si Kroenen, at kinumpranta si Professor Broom. Pinakita niya kay Broom ang hinaharap na si Hellboy ang tutulong sa kaniyang sumira ng mundo. Hindi tinanggap ni Broom ang pananaw na ito't sinaksak siya ni Kroenen sa leeg. Namatay si Broom na may hawak na rosaryo.

Si Manning na ang tagapamahala ng BPRD at sa tulong nila Hellboy, nahanap nila ang lokasyon ni Rasputin sa Russia. Pumasok ang grupo sa mosoliem ngunit napaghiwalay agad. Nahanap ni Manning at Hellboy ang pugad ni Kroenen at tinalo niya ito. Sumunod siya sa pugad ni Sammael para tulungan si Myers at Liz ngunit hindi niya kinaya ang puwersa ng mga halimaw kaya ginamit ni Liz ang kaniyang kapangyarihan upang sunugin lahat ng halimaw at mga itlog nito. Nahimatay sila matapos nito kaya nabihag sila ni Rasputin. Upang mapilit si Hellboy na pakawalan ang Ogdru Jahad, hinigop ni Rasputin ang kaluluwa ni Liz at mabubuhay lamang siya kapag sumunod si Hellboy. Dahil mahal ni Hellboy si Liz, ginising niya ang tunay niyang kapangyarihan bilang si Anung un Rama at tumubo muli ang kaniyang mga sungay. Papakawalan niya na Ogdru Jahad pero biglang pinaalala ni Myers sa kaniya kung sino talaga siya at may karapatan siyang pumili ng sarili niyang daan. Dahil dito'y pinutol niya ang kaniyang mga sungay at bumalik siya sa dati. Sumigaw dahil sa galit si Rasputin sapagka't binitawan ni Hellboy ang Ogdru Jahad at sinaksak siya ni Hellboy gamit ang kaniyang naputol na sungay.

Sinapian si Rasputin ng isang Behemoth mula sa Ogdru Jahad at tumubo mula sa katawan niya. Dahil dito'y tuluyan nang namatay si Rasputin at si Ilsa. Hinayaan ni Hellboy na malunok siya nito dahil may sinturon siya ng granada at pinaputok niya ito. Sumabog ang Behemoth at pinuntahan ni Hellboy si Liz. Tila siya'y patay na ngunit bumulong si Hellboy sa tainga niya't nabuhay muli si Liz. Naghalikan sila habang sila'y pinalibutan ni Liz ng apoy.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Hellboy". Box Office Mojo. Amazon. Nakuha noong 2008-02-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. DiOrio, Carl (2008-02-14). "Paramount shuffle delays 'Trek'". The Hollywood Reporter. Nielsen Business Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-23. Nakuha noong 2008-02-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hellboy (2004 film)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.