[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Helen Keller

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Helen Keller
Keller in 1905
Kapanganakan27 Hunyo 1880(1880-06-27)
Kamatayan1 Hunyo 1968(1968-06-01) (edad 87)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika

Si Helen Adams Keller (27 Hunyo 1880 — 1 Hunyo 1968) ay isang bingi at bulag na Amerikanong may-akda, aktibista at tagapanayam.

Ipinanganak sa Tuscumbia, Alabama si Keller. Noong Hunyo 27,1880, labing-siyam na buwan pa lamang siya, nagkaroon siya ng sakit na naging sanhi ng kanyang kapansanan. Naging malaking gulat sa kanya at mga magulang ang pagkawala ng kanyang abilidad na makipagtalastasan sa murang edad at dahil dito mahirap na siyang panatalihin, at itinuring na balasbas. Ngunit dahil sa pagtutok sa kanya ng isang guro mula sa Paaralan para sa Bulag ng Perkins, Boston na si Anne Sullivan nalampasan niya ang kanyang mga kapansanan. Naturuan si Keller kung paano makipag-ugnayan. Una, natutunan niya kung paano alamin ang alpabetong sinesenyas sa kanyang kamay na nasundan ng "pag-alam" ng mga pangalan ng mga bagay. Sa loob ng dalawang taon, naturuan siya kung paano magbasa at magsulat sa sistemang Braille. Nang lumaon, natuto siyang magsalita sa pamamagitan ng paghipo sa kanyang lalamunan at pagdama sa pag-ugong ng kanyang tinig. Nakatuntong sa dalubhasaan o kolehiyo si Keller, habang kasama at katabi si Sullivan. Bukod sa pagsusulat, tumulong rin si Keller sa iba pang mga taong hindi nakakakita at hindi nakaririnig ng buong mundo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Helen Keller?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 71.