[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hardin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kulay ng taglagas sa mga hardin ng Stourhead
tingnan ang kapsyon
Isang seksyon ng Harding Botaniko ng Brooklyn na may kulay rosas na Prunus 'Kanzan' na punong seresa

Ang isang hardin o halamanan ay isang nakaplanong espasyo, kadalasang nasa labas, na isinantabi para sa paglilinang, pagpapakita, at kasiyahan ng mga halaman at ibang anyo ng kalikasan. "Kontrol" ang nag-iisang katangian pantukoy kahit sa pinaka-ilang na harding ilang. Maaring isama sa hardin ang parehong mga materyal na likas o artipisyal.[1]

Kadalasang may mga tampok na disenyo ang mga hardin kabilang ang estatwaryo, kapritso, pergola, sala-sala, mga pinagputulan ng kahoy, tuyong sapin ng sapa, at mga katampukan ng tubig tulad ng mga puwente, dagat-dagatan (mayroon o walang isda), talon o sapa. May ilang hardin na pampalamuti lamang, habang may iba naman ang nag-aani ng pananimg pagkain, minsan sa hiwalay na lugar, o nakahalo minsan sa mga halamang pampalamuti. Ipinagkakaiba ang mga hardin nakakapagbigay ng pagkain sa mga bukid ayon sa kanilang mas maliit na sukat, mas matrabahong kaparaanan, at kanilang layunin (kasiyahan ng isang kinagigiliwang libangan o sariling kabuhayan sa halip ng ibenta ang mga inani tulad ng isang palengkeng hardin). Ipinagsasama ng mga harding bulaklak ang mga halaman ng iba't ibang taas, kulay, yari, at amoy upang makagawa ng interes at galak sa mga pandamdam.[2]

Ang pinakakaraniwang anyo ay ang mga harding pambahay o publiko, subalit ang katawagang "hardin" ay tradisyunal na naging mas pangkalahatan. Dating tinatawag ang mga zoo, na ipinapakita ang mga hayop mula sa ilang sa naka-simulasyong mga tirahang likas sa kanila, bilang mga harding soolohiko.[3][4] Ang mga Kanluraning hardin ay halos nakabatay sa mga halaman sa pangkahalatan, na ang hardin, na nangangahulugang kulong na lugar sa etimolohiya, ay kadalasang nagpapahiwatig ng isang pinaikling anyo ng harding botaniko, tulad ng mga harding Zen, bagaman, bihira o walang ginagamit na mga halaman. Sa kabilang banda, ang mga harding tanawin, tulad ng mga harding tanawing Ingles, na unang naisagawa noong ika-18 dantaon, ay maaaring alisin nang buo ang mga bulaklak.

Ang arkitekturang pantanawin ay isang kaugnay na gawaing pampropesyon ng mga arkitektong pantanawin na humihilig na makisali sa disenyo sa maraming kalakihan at nagtatrabaho sa parehong mga proyektong publiko at pribado.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Garden". Cambridge Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-Online na (na) edisyon). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2022. Nakuha noong 21 Agosto 2022.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Anguelovski, Isabelle. "Urban gardening" (sa wikang Ingles).
  3. Turner, Tom (1 Setyembre 2005). Garden History: Philosophy and Design 2000 BC – 2000 AD (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-134-37082-5. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2022. Nakuha noong 8 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Klindienst, Patricia (2006). The Earth Knows My Name: Food, Culture, and Sustainability in the Gardens of Ethnic Americans (sa wikang Ingles). Beacon Press. ISBN 978-0-8070-8562-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-28. Nakuha noong 2021-12-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Fusco, Dana (2001). "Creating relevant science through urban planning and gardening". Journal of Research in Science Teaching (sa wikang Ingles). Wiley Online Library. 38 (8): 860–877. Bibcode:2001JRScT..38..860F. doi:10.1002/tea.1036.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)