[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Halicephalobus mephisto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Halicephalobus mephisto
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
H. mephisto
Pangalang binomial
Halicephalobus mephisto
(Borgonie, García-Moyano, Litthauer, Bert, Bester, van Heerden, Möller, Erasmus, & Onstott, 2011)[1]

Ang Halicephalobus mephisto /ha·li·se·fa·lo·bus me·fis·to/ ay isang species ng nematode gaya ng iba pang uri ng roundworm. Natuklasan ito ng mga heosiyentipikong sina Gaetan Borgonie at Tullis Onstott noong 2011. Ito ay natagpuan sa isang batong nakuha sa tubig na nagmula sa biyak ng batong-malalim sa ilang minahan ng ginto sa South Africa may 0.9 km, 1.3 km, at 3.6 km ang lalim mula sa lupang-ibabaw.[1] Ani Onstott, na "halos himatayin ako sa takot nang makita ko silang gumagalaw," at pinaliwanag na "mukha silang maliliit na paikot na bagay."[2] Ang natuklasang ito ay napakahalaga dahil wala pang multicellular na organismo ang natagpuan sa layong 2 km mula sa ibabaw ng daigdig.[3]

Ang Halicephalobus mephisto ay di-tinatablan ng matataas na temperatura. Ito'y asexual na nagpaparami at nanginginain ng subterrenean na bacteria. Ayon sa radiocarbon dating, ang mga bulating ito ay naninirahan sa tubig-bukal na may 3,000–12,000 taong gulang na.[1] Nabubuhay ang mga bulating ito sa tubig na labis ang baba ng lebel ng oxygen, mas mababa pa sa isang porsiyento sa lebel ng karamihan ng mga karagatan.[2] Isinunod ang pangalan nito kay Mephistopheles,[2] na ibig-sabihin ay "siyang may ayaw sa liwanag" sa katunayang ito'y natagpuan sa kailalim-laliman na ng lupa.[1]

Ito ang "pinakamalalim-na-nabubuhay na hayop" na natagpuan, na nakakaya ang init at nakapandudurog na puwersa sa ilalim ng lupa.[4] Ito rin ang unang multi-cellular na organismong natagpuan sa malalim na subsurface na lebel. Ang isang kilala nang species na dating natagpuan sa ganung lalim sa kaparehong pag-aaral ay ang Plectus aquatilis.[2] Ayon kay Borgonie, ang nasabing bulati ay kagaya ng iba pang species na nanginginain ng detritus na matatagpuan sa ibabaw ng lupa, kaya malamang ito'y nagmula rin sa mga species sa ibabaw ng lupa. Ang gayong mga species ay kaya ring mamuhay sa labis-labis na temperatura. Kaya para kay Borgonie, ang katunayang bulati ang unang hayop na natagpuan sa ganitong lalim ay hindi na kataka-taka.[2] Pinagpalagay ng kanyang team na ang species ay nagmula sa mga hayop sa ibabaw ng lupa at napailalim sa crust ng daigdig dahil sa tubig-ulan.[2]

Ang bulating Halicephalobus mephisto ay may habang mula 0.52 hanggang 0.56 mm. Bagaman ang mga species sa genus na Halicephalobus ay kakaunti ang pinagkaiba, makikilala naman H. mephisto mula sa ibang species ng nasabing genus dahil sa mahaba nitong buntot, na may habang 110 at 130 µm. Malapit nitong kamag-anak ang H. gingivalis, ngunit mas malapit nitong kamag-anak ang iba walang pangalang species ng nasabing genus.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Borgonie, J.; García-Moyano, A.; Litthauer, D.; Bert, W.; Bester, A.; van Heerden, E.; Möller, C.; Erasmus, M.; Onstott, T. C. (2011). "Nematoda from the terrestrial deep subsurface of South Africa". Nature. 474 (7349): 79–82. doi:10.1038/nature09974.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Carpenter, Jennifer (2011-06-02). "Deepest living land animal found". BBC. Nakuha noong 2011-06-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  3. Kaufman, Marc (2011-06-01). "Discovery of 'worms from hell' deep beneath Earth's surface raises new questions". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-24. Nakuha noong 2011-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  4. Mosher, Dave (2011-06-01). "New "Devil Worm" Is Deepest-Living Animal". National Geographic. Nakuha noong 2011-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)