[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kumon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kumon Educational Japan Co. Ltd.
UriPribado
IndustriyaEdukasyon
Itinatag1958
NagtatagToru Kumon
Pangunahing tauhan
Mino Tanabe, Pangulo
ProduktoKumon Math at Kumon Native Language (magkakaiba depende sa bansa)
SubsidiyariyoKumon América do Sul Instituto de Educação Ltda. Kumon Asia & Oceania Pte. Ltd.
Websitewww.kumon.org
Sa loob ng isang Kumon Center kasama ang mga mag-aaral na nag-aaral

Ang Kumon (Kumon Educational Japan Co. Ltd.) ay isang sistemang pang-edukasyon na nilikha ni Toru Kumon na ginagamit ang kanyang Kaparaanang Kumon sa pagtuturo ng matematika at pagbabasa para sa mga batang mag-aaral.[1]

Itinitatag ang Kumon ni Toru Kumon, isang tagapagturong Hapon, noong 1958, na nagbukas ang unang Kumon Math Centre sa Lungsod ng Moriguchi, Osaka. Nag-iiba ang pagbukas ng sentro depende sa lokasyon nito. Bago ang mga prangkisa ng Kumon, si Kumon ay nagtratrabaho bilang isang guro sa Mataas na Paaralang Pangmunisipyo ng Kochi. Nagkaroon ng inspirasyon sa pagtuturo ng sariling anak, si Takeshi, bumuo si Kumon ng isang kurikulum na nakatuon sa paulit-ulit na pagsasaulo.[2]

Sa simula, lumago ang Kumon ng mabagal, na natamo lamang ang 63,000 mag-aaral sa unang 16 taon nito. Bagaman, noong 1974, nilathala ni Kumon ang isang aklat na pinamagatang The Secret of Kumon Math, na nagdulot sa pagdoble ng bilang ng kanilang estudyante sa loob ng dalawang taon. Nagbukas ang Kumon sa unang pagkakataon sa Estados Unidos noong 1983,[3] at noong 1985, umabot 1.4 milyong mga mag-aaral ang Kumon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Around the World in 80 ideas" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-27. Nakuha noong 2009-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Davidson, Alex. "Sticking to Basics". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rothman, Robert (17 Mayo 1989). "Japanese Drills, Not U.S. Reforms, Make Math a Hit at Alabama School". Education Week (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]