[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kindergarten

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang kindergarten sa bansang Hapon.

Ang kindergarten, (salitang Aleman, literal na salin sa Tagalog: hardin ng mga bata), ay isang pamamaraan ng pagtuturo sa preschool (o bago ang eskuwelahan) na tradisyunal na nakabatay sa paglaro, pag-awit at mga praktikal na gawain tulad ng pagguhit at pakikipag-ugnayan bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabago mula tahanan patungong paaralan. Ang mga unang ganitong institusyon ay binuo noong huling yugto ng ika-labingwalong siglo sa Bavaria at Strasbourg para maglingkod sa mga bata na may parehong magulang na nagtatrabaho sa labas ng tahanan.

Ang salitang kindergarten ay nanggaling kay Friedrich Fröbel na may pamamaraan na malaki ang naging impluwensiya sa unang taon ng edukasyon sa mundo. Ang salita ay ginagamit sa maraming mga bansa para ilarawan ang iba’t ibang uri ng mga institusyong pang-edukasyon para sa mga bata na dalawa hanggang pitong taong gulang, na nakabase sa iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo.

Noong 1779, sina Johann Friedrich Oberlin at Louise Scheppler ay nagtatag sa Strasbourg ng establisimiyento para sa pag-aalaga at pagtuturo ng mga bata na ang mga magulang ay wala sa umaga at hapon. Sa halos kaparehong panahon, noong 1780 ay may mga katulad na establisimiyentong pang-sanggol na naitatag sa Bavaria. Noong 1802, si Pauline zur Lippe ay nagtatag ng isang sentrong preschool sa Detmold.