[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kingstown

Mga koordinado: 13°09′28″N 061°13′30″W / 13.15778°N 61.22500°W / 13.15778; -61.22500
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kingstown
Kingstown, San Vicente
Kingstown, San Vicente
Palayaw: 
City Of Arches[1] (Lungsod ng mga Arko)
Kingstown is located in Saint Vincent and the Grenadines
Kingstown
Kingstown
Lokasyon sa San Vicente at ang Kagranadinahan
Mga koordinado: 13°09′28″N 061°13′30″W / 13.15778°N 61.22500°W / 13.15778; -61.22500[2]
BansaSan Vicente at ang Kagranadinahan
PuloSan Vicente
ParokyaSan Jorge
Itinatag1722
Populasyon
 (2012)[3]
 • Kabuuan12,909
Sona ng orasUTC-4 (UTC-4)
Kodigo ng lugar784
KlimaAf

Ang Kingstown (lit. "Bayan ng mga Hari") ay ang kabisera, punong daungan, at pangunahing sentrong pangkomersyo ng San Vicente at ang Kagranadinahan. May populasyon na 12,909 (2012),[3] ito ang pinakamataong paninirahan sa bansa. Sentro ng industriyang pang-agrikultura ang Kingstown at isang pasukang daungan para sa mga turista. Matatagpuan ang lungsod sa loob ng parokya ng San Jorge sa timog-kanluran sulok ng San Vicente.[4]

Mga tao ng Kingstown, ca. 1902

Naitatag ang makabagong kapital, ang Kingstown, ng mga kolonistang Pranses dagliang pagkatapos ng 1722, bagaman pinamamahalaan na ang San Vicente ng mga Briton sa loob ng 196 taon bago ang kalayaan nito.[5]

Ang harding botaniko, nilikha noong 1765, ay isa sa pinakaluma sa Kanluraning Hemisperyo. Dinala ni William Bligh, na naging sikat sa Pag-aalsa sa HMS Bounty, ang buto ng puno ng rimas dito para itanim, c. 1793.[6]

Napapaligiran ang bayan ng matatarik na mga burol.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Exploring Kingstown". discoversvg.com (sa wikang Ingles). St. Vincent and the Grenadines Tourism Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2017. Nakuha noong 23 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Kingstown" (sa wikang Ingles). Wikimapia. Nakuha noong 2 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "2012 POPULATION & HOUSING CENSUS PRELIMINARY REPORT" (PDF). Statistical Office Saint Vincent and the Grenadines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Abril 2019. Nakuha noong 19 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "About Kingstown (St Vincent and the Grenadines)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2017. Nakuha noong 29 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "History in Kingstown (St Vincent)" (sa wikang Ingles). Exploring Tourism. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2017. Nakuha noong 29 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bioversity International: The breadfruit mutiny". www.bioversityinternational.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Kingstown" (sa wikang Ingles). Lonely Planet. Nakuha noong 12 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)