Karamdaman ni Addison
Ang karamdaman ni Addison (Ingles: Addison's disease) ay isang sakit o diperensiya ng sistemang endokrino na bihira at kroniko. Ang sakit ni Addison ay ang kapag ang katawan ay hindi gumawa ng sapat na hormonang tinatawag na cortisol.[1] Ang hormonang ito ay tumutulong sa katawan na harapin ang kung tawagin sa Ingles ay stress o presyon. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng presyon ng dugo at pagkontrol sa mga tungkulin ng puso. Pinababagal nito ang antas ng implamasyon na sanhi ng sistemang imyuno ng katawan. Nakakatulong ito sa paraan ng paggamit sa insulina, at sa mga pagtugon o reaksiyong kemikal ng mga protina, mga karbohidrato at mga taba sa loob ng katawan. Ang mga tao na may sakit na ito ay naghihirap dahil sa pagbaba ng timbang ng katawan, kapaguran, kahinaan at mababang presyon ng dugo.[1] Ang ilang mga tao ay nagkakaroon din ng mga maiitim na patse ng balat.[1] Ang karamdaman ni Addison ay nilulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta ng artipisyal na kortisol.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa larangang ng endokrinolohiya noong 1855, ayon kay Thomas Addison (1793-1860) ng Guy's Hospital sa London, sa pamamagitan ng ng kaniyang tratadong pinamagatang On the Constitutional and Local Effects of Disease of the Supra-Rena Capsules, ang pangunahing mga katangian ng karamdaman ni Addison ay kinasasangkutan ng anemia, pangkalahatang pagkapagod and panghihina, kapansin-pansing kahinaan ng galaw ng puso, iritabilidad o "pagkayamot" ng tiyan, at isang kakaibang pagbabago ng kulay sa loob ng balat, na nagaganap kaugnay ng isang kalagayang pagiging may diperensiya ng mga kapsulang supra-renal. Ang pangunahing mga sintomas ng diperensiyang ito ay ang pagiging kulay tanso ng balat, matinding panghihina ng mga masel at pagsusuka. Nagreresulta ang mga ito mula sa kakulangan ng mga panloob na sekresyon o katas ng mga kapsulang supra-renal (dlawang mga glandula na nakadapo sa ibabaw ng pang-itaas na mga dulo ng mga bato) at kapansin-pansin na kakulangan ng adrenalin. Ang pagkabigo ng mga sekresyon ay sumusunod sa pagkabulok (dehenerasyon) ng mga kapsula, na halos palaging dahil sa pangkalahatang tuberkulosis.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Addison's Disease Causes, Symptoms, Diagnosis, and Treatment". medicinenet.com. 2012. Nakuha noong 26 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Addison's Disease Symptoms, Causes, Treatment - How is Addison's disease treated?". medicinenet.com. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2012. Nakuha noong 26 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Addison's disease". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 16-17.
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Rowntree, Leonard G. (Mayo Clinic). Contributions to the Medical Sciences in Honor of Dr. Emmanuel Libman by His Pupils, Friends and Colleagues, isang liham para kay Emanuel Libman.