[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kabibe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga halimbawa ng kabibe. Ipinapakita ang ilalim at ibabaw nito.

Ang kabibe, kabibi, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na balat, kaha, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang mga hayop, kabilang na ang mga moluska, trepang, krustasyano, pagong, pawikan, at iba pa. Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga kuhol, tulya, tahong, at talaba. Tinatawag din ang kayarian ng kabibe bilang eksoskeleton o eksoiskeleton (literal na "panlabas na kalansay"), talukab, talukap, at peltidyum.

Ang iba't ibang uri ng kabibe ay tanyag na ginagamit bilang mga dekorasyon ng tao, buo man o tinatapyasan. Ginagamit ang mga ito para sa lahat ng mga uri ng kuwintas, boton, singsing, at suklay.

Ang mga maliliit na pirasong kabibe na makukulay at makikintab ay ginagamit upang lumikha ng mga mosaic upang palamutihan ang mas malalaking kagamitan tulad ng mga kahon at kasangkapan. Ang malalaking bilang ng buong mga kabibe, na nakaayos upang makabuo ng mga paterno, ay ginagamit upang palamutihan ang mga groto na gawa ng tao.

Sa Pilipinas, ang mga kabibe ay kalimitang ginagamit sa mga pagpapalamuti at pagdidisenyo ng mga damit at kabahayanan. Halimbawa, ang paggamit nito sa mga bintana, pailaw, at mga parol.[1] Ang pinakamalaking uri ng kabibe sa Pilipinas ay ang Tridacna gigas habang ang pinakamaliit naman ay ang Pisidium. Laganap din ang mga kabibeng ito sa Karagatang Pasipiko at mga islang nakapaloob dito.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawingang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Kalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://tagaloglang.com/kapis/