Katedral ng Acerno
Ang Katedral ng Acerno (Duomo di Acerno, Concattedrale di San Donato) ay isang Katoliko Romanong katedral, na alay kay San Donato ng Arezzo, sa bayan ng Acerno sa Campania, Italya.
Mula sa ika-11 siglo ito ang luklukan ng Obispo ng Acerno. Ang obispo ay isinanib sa Arsobispo ng Salerno noong 1818 upang mabuo ang Arkidiyosesis ng Salerno-Acerno, pinalitan ng pangalan noong 1986 at naging Arkidiyosesis ng Salerno-Campagna-Acerno, kung saan ang Katedral ng Acerno ay ginawang kontakedral.
Panlabas na estruktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinggil sa panlabas ng gusali, ang pinakapayak na kanlurang harapan ay may pangunahing gitnang pintuan sa pagitan ng dalawang mas maliit, sa itaas ay dalawang bintana sa magkabilang gilid ng maliit na gitnang bintanang rosas sa ilalim ng isang simpleng Klasikong fronton na naglalaman ng okulo. Ang kampanilya ay may apat na palapag at nagtatapos sa isang simboryong sibuyas na may metal na balat.