Konseho ng Constantinople (815)
Ang Konseho ng Constantinople noong 815 ang konsehong Kristiyano na idinaos sa kabiserang Bizantino sa Hagia Sophia at nagpasimula ng ikalawang yugto ng Ikonoklasmong Bizantino. Bago ito tipunin ng emperador, ang ikonopilyang(pro-ikono)Patriarkang Nikephoros I ay pinatalsik ng Emperador Leo V ang Armeniano kapalit ng ikonklastong(anti-ikono) si Theodotos I. Pinangasiwaan ni Theodotos I ang konseho at muling ibinalik ang ikonoklasmong Bizantino. Itinakwil ng konsehong ito ang desisyon ng Ikalawang Konseho ng Nicaea na tumakwil sa mas maagang Konseho ng Hieria noong 754 na pinagtibay naman ng Konseho ng Constantinople noong 815. Bagaman ito ay tinipon sa kautusan ng emperador, ang karamihan ng pagsisikap na anti-ikono nito ay sinanhi ng ibang mga kleriko kabilang ang mga kalaunang patriarkang sina Antony I at Juan VII. Dahil sa konsehong ito, si Theodotos ay kinatawan bilang nagpapahirap sa pamamagitan ng pagpapagutom ng higit sa isang abbot na pro-ikono upang pwersahin ito na umayon sa kanyang kautusang anti-ikono.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.