[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Konkatedral

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang konkatedral ay isang simbahang katedral na nakikibahagi ng pagiging luklukan ng obispo, o cathedra, sa ibang katedral, madalas sa ibang lungsod (karaniwang dating luklukan, o isang mahalagang lungsod ng kalakhang pook o ang kabeserang sibil). Ang mga pagkakataong ito ay nangyari sa Inglatera bago ang Repormang Protestante sa mga diyosesis ng 'Bath at Wells', at ng 'Coventry at Lichfield'. Ang dalawang diyosesis na ito ay pinangalanan para sa parehong lungsod na nagsisilbing luklukan ng obispo.

Noong Marso 2020, ang Simbahang Katolika ay mayroong 322 konkatedral, higit sa lahat ay nasa Europa (140 sa Italya lamang).[1]

Maraming dating katedral, ngunit kahit na ginagamit pa rin, madalas ay hindi binibigyan ng katayuan bilang konkatedral.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.gcatholic.org/churches/cath.htm