[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Fiqh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Fiqh (Arabe: فقه‎, "malalim na pagkaunawa" o "kumpletong pagkakaintindi") ay ang hurisprudensiya ng Islam. Ito ang tuwirang pagpapalawig ng Koran at Sunnah, na nakabatay sa batas ng Islam na Shaira. Isa itong pampuno sa Shariah na may umuunlad pang mga patakaran o pag-unawa (Fatwa) na ginawa ng mga Ulema, ang mga kleriko o dalubhasa sa Islam. Nakatuon ang fiqh sa pagsasagawa ng mga rituwal, mga pamantayan, at lehislasyong panlipunan ng Islam. May apat na pangunahing mga paaralan ng fiqh: ang Madh'hab sa gawain ng mga Sunni, at ang dalawang pagsasagawa na nasa Islam na Shi'a. Ang taong sinanay sa fiqh ay kilala bilang Faqih (Fuqaha sa anyong maramihan).[1]

Ang fiqh ay isang bahagi ng batas ng Islam na nakatuon sa mga gawain ng mga Muslim, kasama ang pagsamba at gawaing pang-araw-araw. Sa Islam na Sunni, may apat na pangunahing mga paaralan ng kaisipan. Bawat paaralan ng kaisipan ay hindi kaibahan sa mga paniniwala, bagkus ay iba't ibang mga pananaw. Ito ang mga sumusunod na paaralan:

Sa Islam na Shia, may isang pangunahing paaralan ng kaisipan. Tinatawag itong Jaferi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Glasse, Cyril, The New Encyclopedia of Islam, Altamira, 2001, p.141

Islam Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.