[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Eutanasya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Dr. Jack Kevorkian(1928-2011), isang tagapagtaguyod ng eutanasya. January 15, 2011

Ang eutanasya (Ingles: euthanasia) ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito ay maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman. Ang karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasya ay isang miyembro ng pamilya o doktor(kung ito ay legal sa isang bansa). Ang eutanasya ay isang moral at pampolitikang isyu sa maraming bansa, tulad ng kinasangkutang iskandalo ng doktor na si Dr. Jack Kevorkian, isang doktor na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga taong nagnanais magpakamatay sa pamamagitan ng eutanasya. Dahil sa pagsasagawa ni Dr. Kevorkian ng eutanasya sa ilang pasyente, siya ay nahatulang mabilanggo sa kulungan. Ang ilang bansa na may batas na pumapayag sa eutanasya ang Switzerland kung saan ang klinikang Dignitas sa bansang ito ang dinadayo ng mga indibidwal mula sa ibang bansa na nagnanais magpakamatay sa pamamagitan ng eutanasya.


Etika Ang lathalaing ito na tungkol sa Etika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.