[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Diana (mitolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Diana of Versailles, a 2nd-century Roman version in the Greek tradition of iconography
Relihiyon sa
Sinaunang Roma
Si Marcus Aurelius na naghahandog
Mga kasanayan at paniniwala
Mga pagkasaserdote
Mga Diyos
Mga nauugnay na paksa

Sa mitolohiyang Romano, si Diana (literal na "makalangit" o "makadiyos") ang Diyosa ng pangangaso, buwan at panganganak. Siya ay nauugnay sa mga mababangis na hayop at kakahuyan at may kapangyarihang makipag-usap at kumontrol sa mga hayop. Siya ay tinutumbas sa Diyosa ng Mitolohiyang Griyego na si Artemis bagaman siya ay may independiyenteng pinagmulan sa Italya. Si Diana ay sinamba sa relihiyong Sinaunang Romano at pinapipitaganan sa Neopaganismong Romano at Stregheria. Ang Dianic Wicca na malaking isang peministang anyo ng kasanayan ay ipinangalan sa kanya.

Siya ay kilalang Diyosang birhen ng kapanganakan at mga kababaihan. Siya ay isa sa tatlong mga Diyosang dalagang Diyosa kasama nina Minerva at Vesta na nangakong hindi magpapakasal. Ang mga arboledang roble ay lalong sagrado sa kanya. Ayon sa mitolohiya, si Diana ay ipinanganak kasama ng kanyang kambal na lalakeng si Apollo sa kapuluan ng Delos. Siya ay anak ni Hupiter at Latona. Si Diana ay bumubuo sa isang tripleng diyos kasama ng dalawang ibang mga diyosang Romano na sina Egeria na nimpa ng tubig at kanyang lingkod at katulong na komadrona at si Virbius na diyos ng kakahuyan.