[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Dante Alighieri

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dante)
Dante Alighieri
Si Dante Alighieri.
Si Durante degli Alighieri.
Kapanganakankalagitnaan ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo 1265
Florence
Kamatayan14 Setyembre 1321
Ravenna, Italya
TrabahoPolitiko, makata, teorista ng wika
NasyonalidadItalyano

Si Durante degli Alighieri, mas kilala bilang Dante, (mga 1 Hunyo 1265 – Setyembre 13/14, 1321) ay isang Italyanong manunulat ng Firenze. Tinuturing ang kanyang pinakadakilang gawa ang Divina Commedia (Banal na Komedya), na kalaunang tinawag na Divina ni Boccaccio, bilang ang pinakadakilang akdang pampanitikan sa Europa ng Gitnang Panahon, at ang batayan ng makabagong wikang Italyano. Itinuturing din itong pinakadakilang akdang pampanitikan na isinulat sa Wikang Italyano at isang obra maestra ng panitikang pandaigdaig. Patuloy na sinusulong ng Samahang Dante Alighieri (Italyano: Società Dante Alighieri), tinatag sa Italya noong 1889, ang kultura at wikang Italyano sa buong mundo sa ngalan niya.

Si Dante ay ipinanganak sa Florence, Italya. Hindi tiyak ang eksaktong araw ng kanyang kapanganakan, datapwa't pinanininwalaang ipinanganak siya sa taong 1265. Mahihinuha ito sa mga alusyon niya sa Divina Comedia tungkol sa kanyang buhay. [to be continued.]


TalambuhayPanitikanItalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.