[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

DWAV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
AWR Manila (DWAV)
Talaksan:AWRManila891FMLogo.png
Pamayanan
ng lisensya
Pasay
Lugar na
pinagsisilbihan
Malawakang Maynila and surrounding areas
Frequency89.1 MHz
TatakAdventist World Radio 89.1
Palatuntunan
WikaEnglish, Filipino
FormatReligious Radio (Seventh-day Adventist Church)
NetworkAdventist World Radio
Pagmamay-ari
May-ariBlockbuster Broadcasting System
OperatorAdventist Media
DWVN-DTV (Hope Channel Philippines)
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1975
Dating call sign
  • DWKB (1975–1989)
  • DZMZ (1989–2001)
Dating pangalan
  • KB 89.1 (1975–1989)
  • 89 DMZ (1989–2001)
  • Wave 89.1 (2001–2024)
Kahulagan ng call sign
WAVe (dating pangalan)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA (clear frequency)
Power20,000 watts
ERP60,000 watts
Link
WebcastListen live
Official livestream
Websitehome.awrmanila.ph

Ang DWAV (89.1 FM), sumasahimpapawid bilang Adventist World Radio 89.1, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Blockbuster Broadcasting System at pinamamahalaan ng Adventist Media. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa North Philippines Union Conference Compound, #210 San Juan St., Pasay, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Palos Verdes Executive Village, Brgy. Sta. Cruz, Sumulong Highway, Antipolo.[1]

1975–1989: KB

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang himpilang ito ng Intercontinental Broadcasting Corporation noong 1975 bilang KB 89.1 sa ilalim ng call letters DWKB-FM. Hindi nagtagal at ito ang naging isa sa mga pinakikinggan na easy listening na himpilan ng bansang ito.[2]

1989–2001: 89 DMZ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1989, naging 89 DMZ ang himpilang ito at nagpalit ito ng call letters sa DZMZ-FM. Kilala ang DMZ sa pagtugtog ng dance at remixes.[3] Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay si Francis Magalona, na may sariling programa tuwing Sabado, "The Word-up Show".[4] Tahanan din ito ng "Mobile Circuit" na umere tuwing Biyernes ng gabi.[5]

Noong Mayo 2000, nagkaroon ng DMZ ang sarili nitong programa sa IBC tuwing Martes ng gabi, DMZTV, na kagaya ito sa MTV.[6][7]

Kabilang ang himpilang ito sa mga ari-arian ng Intercontinental Broadcasting Corporation na sinamsam ng Presidential Commission on Good Government (PCGG); at pinalano pa lamang ang pagpribado ng IBC noong kalagitnaan ng dekada 90.[8][9] Kalaunan, noong Disyembre 2000, binili ng Vera Group sa pamamagitan ng Blockbuster Broadcasting System, Inc. ang himpilang ito sa isang pagtawad na ginanap ng PCGG.[10]

2001–2024: Wave

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 1, 2001, inilunsad ang Wave 89.1, kasabay ng media launch sa isang hotel sa Makati.[11] Nagpalit ito ng call letters sa DWAV. Sa pamamahala ni Joe D'Mango (Rolando Sulit) ng Magic 89.9,[11] meron itong urban adult contemporary na format, na nagpatugtog ng contemporary pop at rhythm and blues.[12]

Logo in 2009

Noong 2007, pumalit si Gary Caoili sa puwesto ni Sulit. Makalipas ng isang taon, pagkatapos ng pagkawala ng Blazin' 105.9, naging urban contemporary ang format ng himpilang ito, na nagpatugtog ng hip hop at rhythm and blues.

Mula 2010 hanggang 2014, may sarili itong pagtanghal na binansagang Urban Music Awards.[13][14]

Logo in 2015

Noong Abril 14, 2024, namaalam ang Wave sa ere.[15][16]

2024–present: AWR 89.1

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 10, 2024, kinuha ng Adventist Media ng Seventh-day Adventist Church, na nagpapatakbo ng Adventist World Radio (AWR) at Hope Radio sa iba't ibang bahagi ng bansang ito, ang operasyon ng himpilang ito.[17]

Noong April 15, bumalik sa ere ang himpilang ito bilang pagsusuri sa himpapawid. Opisyal ito inilunsad noong Abril 24 bilang Adventist World Radio.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Telum Media (Hunyo 6, 2019). "Interview: Dannie Farmer, Wave 89.1FM, Philippines". Asia Radio Today. Nakuha noong Agosto 21, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nigado, JC (Mayo 10, 1987). "The Channel 13 controversy; Noel Tolentino speaks up". Manila Standard. p. 14. Nakuha noong Abril 24, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jimenez, Alex (Nobyembre 25, 1996). "Current radio programming trends". Manila Standard. p. 29B. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Saspa, James (Setyembre 5, 1994). "Francis M in the booth". Manila Standard. p. 24. Nakuha noong Abril 17, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Glodove, Vinci (2019). "Batang 90s". PSICOM Publishing. Nakuha noong Agosto 21, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "New shows from IBC-13". Philippine Daily Inquirer. Hunyo 2, 2000. p. B9. Nakuha noong Abril 24, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Sicam, Edmund (Agosto 19, 2000). "Switching channels; IBC-13: 'Don't count us out'". Philippine Daily Inquirer. p. G2. Nakuha noong Abril 24, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Frialde, Mike (Disyembre 27, 1996). "19 bidders qualify for IBC-13 auction". Manila Standard. p. 3. Nakuha noong Abril 22, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Batino, Clarissa (Disyembre 6, 2000). "Indicative price: P3.59B; IBC-13 bidding on Dec. 21". Philippine Daily Inquirer. p. B3. Nakuha noong Abril 22, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Rivera, Blanche (Disyembre 29, 2000). "IBC-13 sale: PCGG undaunted by contempt threat". Philippine Daily Inquirer. p. A4. Nakuha noong Abril 22, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Philippines. Nakuha noong Abril 17, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Konrad-Adenauer-Stiftung.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Salterio, Leah (Pebrero 23, 2001). "Showbiz Tidbits: Joe D'Mango says goodbye". Philippine Daily Inquirer. p. A25. Nakuha noong Abril 17, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "MyDSL artists win Urban music awards". The Philippine Star. Pebrero 5, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Bone Thugs-n-Harmony to perform at the Urban Music Awards 2014". Philippine Daily Inquirer. Mayo 30, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Garcia, Nick (16 Abril 2024). "Wave 89.1 announces final broadcast: 'What a wild ride it has been, Manila'". Philippine Star Life. Nakuha noong 16 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Aguila, Nick (16 Abril 2024). "Radio Station Wave 89.1 Bids Farewell". Esquire Philippines. Nakuha noong 16 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "AWR Manila Launches on 89.1 FM". Southern Asia-Pacific Division. 26 Abril 2024. Nakuha noong 16 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)