Gripon
Itsura
- Huwag itong ikalito sa bahagi ng bahay na gripo.
Ang gripin o gripon (mula sa Ingles na griffin, griffon, o gryphon; Kastila: grifo) ay isang nilalang mula sa mitolohiya ng sinauna at midyibal na kapanahunan. Nagmula ang katawagang griffin mula sa salitang Latin na gryphus, na may ibig sabihing "may baluktot na ilong". Ang gripin ay may katawan ng leon at ulo at mga pakpak ng agila. Ayon sa mga alamat mula sa Silangan, ang mga gripin ang mga tagapagbantay ng ginto ng Hilaga mula sa mga Arimaspian ng bulubunduking Rhipaean.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Griffin". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na G, pahina 462.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.