Galicia (Espanya)
Galicia Galicia (Kastila at Wikang Galisiyano) | |||
---|---|---|---|
Pamayanang awtomono | |||
| |||
Awit: "Os Pinos ("Ang mga Punong Pino") | |||
Lokasyon ng of Galicia sa loob ng Espanya at Tangway Iberiko | |||
Mga koordinado: 42°30′N 8°06′W / 42.5°N 8.1°W | |||
Bansa | Espanya | ||
Kabisera | Santiago de Compostela | ||
Mga malalaking lungsod | Vigo, A Coruña | ||
Mga lalawigan | A Coruña, Lugo, Ourense, at Pontevedra | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Pamahalaang debolusyon sa isang monarkiyang pangkonstitusyon | ||
• Konseho | Xunta de Galicia | ||
• Pangulo | Alfonso Rueda (PP) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 29,574.42 km2 (11,418.75 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-7 (5.8% ng Espanya) | ||
Populasyon (2020) | |||
• Kabuuan | 2,701,819 | ||
• Ranggo | Ika-5 (6% ng Espanya) | ||
• Kapal | 91/km2 (240/milya kuwadrado) | ||
mga demonym | Galisiyano galego, -ga (gl) gallego, -ga (es) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
ISO 3166 code | ES-GA | ||
Kodigong pantelepono | +34 98- | ||
Kautusan ng Awtonomiya | 1936 28 Abril 1981 | ||
Mga wikang opisyal | |||
Internet TLD | .gal | ||
Santong patron | San Santiago | ||
Parlamento | Parlamento Galicia]] | ||
Kongreso | 23 diputado (sa 350) | ||
Senado | 19 senador (sa 265) | ||
HDI (2021) | 0.900[1] napakataas · ika-9 | ||
Websayt | Xunta de Galicia |
Ang Galicia ( /ɡəˈlɪʃ(i)ə/ gə-LISH(-ee)-ə;[2] Galisyano: Galicia [ɡaˈliθjɐ] [ɡaˈliθɐ];[a] Kastila: Galicia) ay isang pamayanang awtomono ng Espanya at nasyonalidad na makasaysayan sa ilalim ng batas Kastila.[3] Matatagpuan sa hilagang-kanlurang Tangway Iberiko, kinabibilangan ito ng mga lalawigan ng A Coruña, Lugo, Ourense, at Pontevedra.
Matatagpuan sa Europang Atlantiko, napapaligiran ito ng Portugal sa timog, ang mga pamayanang awtonomo ng Castile at León at Asturias sa silangan, ang Karagatang Atlantiko sa kanluran, at ang Dagat Cantabrico sa hilaga. Mayroon itong populasyon na 2,701,743 noong 2018[4] at may kabuuang sukat na 29,574 km2 (11,419 mi kuw). Mayroon ang Galicia ng higit sa 1,660 km (1,030 mi) ng baybayin,[5] kabilang ang mga pulo at maliliit na pulong malayo sa pampang, kabilang sa mga ito ang Kapuluang Cíes, Ons, Sálvora, Pulo ng Cortegada, na pinagsama-sama ay binubuo ang Pambansang Liwasan ng mga Kapuluang Atlantiko ng Galicia, at ang pinakamalaki at pinakamatao, ang A Illa de Arousa.
Pamahalaan at politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamahalaang lokal
[baguhin | baguhin ang wikitext]May bahagiang sariling-pamamahala ang Galicia, sa anyong pamahalaang debolusyon, na itinatag noong 16 Marso 1978 at pinagtibay ng Kautusang Awtonomiya ng Galicia, na pinasa noong 28 Abril 1981. Mayroon tatlong sangay ng pamahalaan: ang sangay tagapagpaganap, ang Xunta de Galicia, na binubuo ng Pangulo at ibang malayang hinalal na mga konsehal;[6] ang sangay tagapagbatas na binubuo ng Parlamento ng Galicia; at ang sangay panghukuman na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman ng Galicia at mga mababang hukuman.
Tagapagpaganap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Xunta de Galicia ay isang kolektibong entidad na may kapangyarihang ehekutibo at administratibo. Binubuo ito ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at labing-dalawang Konsehal. Pangkalahatang dinedelegado ang kapangyarihang administratibo sa mga katawang dumidepende. Nakikipag-ugnayan din ang Xunta sa mga aktibidad ng mga konsehong panlalawigan (Galisyano: deputacións) na matatagpuan sa A Coruña, Pontevedra, Ourense at Lugo.
Dinirekta at iniuugnay ng Pangulo ng Xunta ang mga aksyon ng Xunta. Sabay ang pangulo na kinatawan ng pamayanang awtonomo at ng estadong Kastila sa Galicia. Kasapi ang pangulo sa parlamento at hinahalal ng mga diputado nito at pagkatapos, pormal na pinapangalan ng monarkiya ng Espanya.
Tagapagbatas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang Parlamento ng Galicia[7] ng 75 diputado na hinahalal ng adultong may unibersal na karapatang bumoto sa ilalim ng sistemang representasyong proporsyunal. Kinabibilangan ang prangkisa ng mga Galisiyano na nasa ibang bansa. Nagaganap ang halalan bawat apat na taon.
Noong halalan ng 12 Hulyo 2020, nagresulta ng sumusunod na distribusyon ng mga nahalal:[8]
- Partido Popular de Galicia (PPdeG): 42 diputado (47.96% ng botong popular)
- Bloque Nacionalista Galego (BNG): 19 diputado (23.79% ng botong popular)
- Partido Socialista de Galicia (PSdeG-PSOE): 14 diputado (19.39% ng botong popular)
Panghukuman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang Kataas-taasang Katarungan ng tatlong korte, bagaman, ang isang ikaapat para sa mga Minor ang minungkahi.
- Sibil at Penal (Sala do Civil e Penal): Limang mahistrado, kabilang ang Pangulo ng Hukuman.
- Kontensiyoso-Administratibo (Sala do Contencioso-Administrativo): Labing-apat na mahistrado, na nahahati sa apat na seksyon.
- Panlipunan (Sala do Social): Labing-anim na mahistrado, nahahati sa apat na seksyon.
Mga pamahalaang munisipyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong 314 munisipalidad (Galisyano: concellos) sa Galicia, na bawat isa ay pinapatakbo ng isang pamahalaang alkalde-konseho na kilala bilang concello.
Nahahati pa ang pamahalaang lokal na kilala bilang isang Entidade local menor; na ang bawat isa ay may sariling konseho (xunta veciñal) at alkalde (alcalde da aldea). Mayroong siyam nito sa Galicia: Arcos da Condesa, Bembrive, Camposancos, Chenlo, Morgadáns, Pazos de Reis, Queimadelos, Vilasobroso at Berán.
Tradisyunal na nahahati din ang Galicia sa mga 3,700 sibil na parokya, na binubuo ang bawat isa ng isa o higit pa na vilas (bayan), aldeas (nayon), lugares (lugar) o barrios (baryo).
Pamahalaang pambansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinakatawan ang interes ng Galicia sa antas pambansa ng 25 hinalal na diputado sa Kongreso ng mga Diputado at 19 senador sa Senado – na ang 16 sa mga ito ay hinahalal at ang 3 ay hinihirang ng parlamentong Galisiyano.
Mga dibisyon administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang dibisyong panteritoryo ng Espanya ng 1833, nahahati ang Galicia sa pitong lalawigang administratibo:[9]
Mula 1833, ang orihinal na pitong lalawigan ng ika-15 siglo ay pinagsama sa apat:
- A Coruña, kabisera: A Coruña
- Pontevedra, kabisera: Pontevedra
- Ourense; kabisera: Ourense
- Lugo; kabisera: Lugo
-
A Coruña
-
Lugo
-
Ourense
-
Pontevedra
Nahahati pa ang Galicia sa 53 comarcas, 315 munisipalidad (93 sa A Coruña, 67 sa Lugo, 92 sa Ourense, 62 sa Pontevedra) at 3,778 parokya. Nahahati ang mga munisipalidad sa parokya, na nahahati pa sa aldeas ("mga nayon") o lugares ("mga lugar"). Ang tradisyunal na paghahati na ito sa mas maliit na lugar ay hindi karaniwan kumpara sa natitirang bahagi ng Espanya. Halos kalahati ng pinangalang mga entidad populasyon ng Espanya ay nasa Galicia, na sumasakop sa 5.8 bahagdan lamang ng sukat ng bansa. Tinatayang na mayroon ang Galicia ng higit sa isang milyong pinangalang lugar, higit sa 40,000 sa mga ito ay mga pamayanan.[10]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ipinapakita ng mga salitang ito ang dalawang pangunahing pananalitang pang-rehiyon ng wika, ang gheada at seseo, at napagtanto bilang [ɡaˈliθjɐ], [ɡaˈliθɐ] sa silangan, [ħaˈliθjɐ], [ħaˈliθɐ] sa mas gitna, at [ħaˈlisjɐ], [ħaˈlisɐ] tungong kanluran; [gaˈliθɐ], [ɡaˈliθjɐ] ay ang pamantayang de facto, bagaman lahat ng mga bigkas na ito ay tinuturing na katanggap-tanggap.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Sub-national HDI – Area Database – Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Galicia", Collins English Dictionary (sa Ingles).
- ↑ "Ang Galicia, isang pagkamamamayang makasaysayan, ay binubuo mismo ang sarili ng isang pamayanang awtonomo para sa pagkuha nito sa sariling-pamamahala", "Galicia, nacionalidade histórica, constitúese en Comunidade Autónoma para acceder ó seu autogoberno" Kautusan ng Awtonomo ng Galicia (1981), 1.
- ↑ "Instituto Nacional de Estadística" (sa wikang Kastila). Instituto Nacional de Estadística. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2018. Nakuha noong 25 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Límites e posición xeográfica" (sa wikang Kastila). Instituto Galego de Estatística. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 19 Hulyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Estatuto de Autonomía de Galicia. Título I: Del Poder Gallego" (sa wikang Ingles). Xunta.es. 1 Oktubre 2009. Nakuha noong 26 Abril 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parlamento de Galicia – By Party" (sa wikang Kastila). Parlamento de Galicia. Nakuha noong 27 Nobyembre 2006.
Parliament of Galicia Composition
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Resultados definitivos: Galicia | Eleccións ao Parlamento de Galicia" (sa wikang Kastila). Nakuha noong 23 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tumatawid ang pitong krus na nasa eskudo de armas ng of Galicia ay tumutukoy sa pitong makasaysayang lalawigan.
- ↑ Manuel Bragado, «Microtoponimia» Naka-arkibo 2016-01-01 sa Wayback Machine., Xornal de Galicia, 5 Setyembre 2005. Hinango noong 21 Pebrero 2010. (sa Kastila)