[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Beauty and the Beast

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Beauty and the Beast (literal na salin sa Tagalog:: Si Maganda at ang Halimaw) ay isang tradisyunal na alamat na isinulat ng babaeng Pranses na manunulat na si Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve at inilathala noong 1740 sa La Jeune Américaine et les contes marins. Ang kanyang mahabang bersyon ay pinaikli, muling isinulat, at inilathala ni Jeanne-Marie Leprince de Beaumont noong 1756 sa Magasin des enfants para mailabas ang bersyon na madalas ibinabahagi.

Iba't-ibang bersyon ng kwentong ito ay kilala sa Europa. Halimbawa na lamang sa Pransya, ang Zemire et Azor ay isang operang bersyon ng istorya na isinulat ni Marmontel at kinumpuni ni Gretry noong 1771, na nagkamit ng malaking tagumpay hanggang ika-19 na siglo; ito ay batay sa ikalawang bersyon ng istorya. Ang Amour pour amour, ni Nivelle de la Chausse, ay isang dula noong 1742 na ibinasi sa bersyon ni Gabrielle-Suzanne Barbot de Villeneuve.

Isang mayaman at balong mangangalakal ang nakatira sa isang mansyon kasama ang kanyang anim na anak, tatlong lalaki at tatlong babae. Lahat ng babae niyang anak ay magaganda, ngunit si Beauty ang bunso, ay ang pinakakaibig-ibig, siya rin ay mabait, mapagbasa at may dalisay na puso; samantala ang mga nakatatanda niyang babaeng kapatid kung ihahambing, ay masasama, sakim, banidoso at laki sa layaw; at pasikreto din nilang inaasar at mas tinatrato si Beauty na katulong kaysa bilang kapatid. 

Ang kayaman ng mangangalakal ay saka rin naubos sa isang bagyo sa dagat. Siya at ang kanyang mga anak, di naglaon, ay napilitan nang tumira sa isang maliit na kubo at magtrabaho para sa ikabubuhay. Makalipas ang ilang taon, nabalitaan nitong mangangalakal na isa sa mga ipinalayag niyang barkong pang-kalakal ay nakabalik na sa daungan, matapos nitong makatakas sa pagkamatay ng mga kalipon. Ang mangangalakal ay ay bumalik sa siyudad para alamin kung mayroon itong lamang mahalaga. Bago umalis, tinanong niya ang kanyang mga anak kung gusto ba nila na maguwi siya ng mga regalo. Humingi ang kanyang mga lalaking anak ng mga armas at kabayo para gamitin sa pangagaso, samantala ang kanyang mga nakatatandang babaeng anak ay humiling ng mga damit, alahas, at pinakamagagarang mga bestida, sa pag-iisip na bumalik na ang kayaman ng kanilang ama. Si Beauty naman ay kuntento na sa isang rosas dahil walang tumutubo ng ganoon sa kanilang lugar. Sa kanyang ika-panghihinayang, madidiskubre niya na ang mga laman ng barko ay kinamkam na bilang pambayad sa kanyang mga utang, na nagiwan sa kanyang walang pera pambili ng mga regalo sa kanyang mga anak. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.