[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Bauhaus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Bauhaus Dessau.
1921/2, Walter Gropius' Expressionist Monument to the March Dead
Typography by Herbert Bayer above the entrance to the workshop block of the Bauhaus, Dessau, 2005

Ang Staatliches Bauhaus (tungkol sa tunog na ito listen ), mas kilala sa tawag na Bauhaus, ay dating paaralan ng sining sa Alemanya na pinagsama ang kasanayan at sining. Naging tanyag ang paaralan dahil sa kanilang pananaw ukol sa disenyo na inilathala at itinuro. Bukas ang paaralan mula 1919 hanggang 1933. Sa panahon na iyon, ang literal na kahulugan ng tungkol sa tunog na ito Bauhaus  sa Aleman ay "bahay ng konstruksyon" na binigyang kahulugan bilang "Paaralan ng Pagtatayo".

Ang Bauhaus ay unang itinayo ni Walter Gropius sa Weimar. Sa kabila ng pangalan at katunayang arkitekto ang unang nagtatag nito, ang Bauhaus ay walang departamento ng arkitektura noong simulang mga taon. Gayunman, ito ay itinatag kasama ang ideya na bumuo ng pangkalahatang produkto ng sining kung saan ang lahat ng anyo nito, kasama ang arkitektura, ay mapagsasama-sama. Ang istilo ng Bauhaus ay naging isa sa mga pinaka impluwensyal na yugto sa modernong disenyo, modernong arkitektura at sining, disenyo at edukasyon ng arkitektura.[1] Ang Bauhaus ay nagkaroon ng malalim na impluwensya sa paglago ng sining, arkitektura, disenyo ng grapika, panloob, at industriyal, pati na rin palalimbagan.

Ang paaralan ay namalagi sa tatlong siyudad sa Alemanya: Weimar mula 1919 hanggang 1925, Dessau mula 1925 hanggang 1932 at Berlin mula 1932 hanggang 1933, sa ilalim ng tatlong arkitekto-direktor: Walter Gropius mula 1919 hanggang 1928, Hannes Meyer mula 1928 hanggang 1930 at Ludwig Mies van der Rohe mula 1930 hanggang 1933, noong pinasara ang paaralan ng sarili nitong liderato sa ilalim ng rehimen ng Nazi. Sinabi ng gobyerno ng Nazi na sentro ito ng komunistang intellectualism. Kahit na nagsara ang paaralan, patuloy na pinalaganap ng mga miyembro ng paaralan ang ulirang alituntunin nito nang umalis sila sa Alemanya at dumayo sa buong mundo. [2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pevsner, Nikolaus, pat. (1999). A Dictionary of Architecture and Landscape Architecture (Paperback) (sa wikang Ingles). Fleming, John; Honour, Hugh (ika-5th (na) edisyon). London: Penguin Books. p. 880. ISBN 0-14-051323-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. ...], [contributors Rachel Barnes (2001). The 20th-Century art book (sa wikang Ingles) (ika-Reprinted. (na) edisyon). London: Phaidon Press. ISBN 0714835420. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)