[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Batik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Batik
Batik mula sa Surakarta sa lalawigan ng Gitnang Java sa Indonesia; bago mag-1997
UriTelang pansining
MateryalKambray, sutla, bulak
Lugar ng pinagmulanIndonesia

Ang batik[n 1] ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit (wax-resist dyeing) na ikinakapit sa buong tela. Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia.[1] Nagagawa ang batik sa pagguguhit ng mga tuldok at linya ng panghadlang gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na tjanting,[n 2] o sa paglilimbag ng panghadlang gamit ang isang selyong tanso na tinatawag na cap.[n 3][2] Pinipigilan ng ikinapit na pagkit ang pagtitina at sa gayon ay pinapayagan ang artisano na piliin ang kukulayin sa pagbababad ng tela sa isang kulay, pagtatanggal ng pagkis gamit ang kumukulong tubig, at pag-uulit nito kung ninanais ang maraming kulay.[1]

Matatagpuan ang tradisyon ng paggawa ng batik sa mga iba't ibang bansa; gayunman, masasabi na ang batik ng Indonesia ang pinakakilala.[3][4] Ang batik Indones na gawa sa pulo ng Java ay may mahabang kasaysayan ng akulturasyon, na may mga magkakaibang disyeno na naimpluwensyahan ng mga iba't ibang kultura, at ito rin ang pinakamalinang ayon sa disenyo, kasiningan, at kalidad ng pagkakagawa.[5] Noong Oktubre 2009, itinalaga ng UNESCO ang batik Indones bilang Obra Maestra ng Pasalita at Di-nasasalat na Pamana ng Sangkatauhan.[6]

Wikang Habanes ang pinagmulan ng salitang batik. Maaari itong nagmula sa mga salitang amba ('magsulat') at titik ('tuldok') sa Habanes, o nanggaling sa mas diumano’y ugat sa wikang Proto-Austronesyo, *beCík ('magtatu'). Nagpatotoo ito ng Kapuluang Indones noong panahong kolonyal ng Olanda sa mga iba't ibang anyo: mbatek, mbatik, batek at batik.[7][8]

Telang tinina ng hadlang-pagkit mula sa Niya (Basin ng Tarim), Tsina
Kumakatawan sa batik ang disenyo ng damit sa Silangang Habanes na rebulto ni Prajnaparamita ng ika-13 dantaon

Isang sinaunang kasiningan ang pagtitinang hadlang-pagkit ng tela. Umiral na ito sa Ehipto sa ika-4 na dantaon BK, kung saan ginamit ito sa pagbabalot ng mga momya;[9] binadbad ang lino sa pagkit, at kinuskos ng panulat. Sa Asya, isinagawa ang kasiningan sa Tsina noong Dinastiyang Tang (618–907 PK), at sa Hapon noong Panahon ng Nara (645–794 PK). Sa Aprika, orihinal na isinagawa ito ng mga tribong Yoruba sa Nigeria, mga tribong Soninke at Wolof sa Senegal.[10] Gayunpaman, ginagamit nitong bersyong Aprikano ang gawgaw ng kamoteng-kahoy o masa ng bigas, o putik bilang panghadlang sa halip ng pagkit.[11]

Pinakanalinang ang sining ng batik sa pulo ng Java sa Indonesia. Sa Java, agad na makukuha ang mga materyales para sa proseso – bulak at pagkit at mga halaman kung saan na pinagkukunan sa paggawa ng mga iba't ibang pangulay de-gulay.[12] Nauuna pa ang batik Indones sa mga nakasulat na rekord: ikinakatuwiran ni G. P. Rouffaer na maaaring dinala ang kasiningan noong ika-6 o ika-7 dantaon mula sa India o Sri Lanka.[10] Sa kabila nito, pinaniniwalaan ni J.L.A. Brandes, isang arkeologo Olandes, at F.A. Sutjipto, isang arkeologong Indones na katutubong tradisyon ang batik Indones, dahil ang mga ilang rehiyon sa Indonesia tulad ng Toraja, Flores, at Halmahera na hindi direktang naimpluwensiyahan ng Hinduismo, ay nagpatotoo rin sa tradisyon ng paggawa ng batik.[13]

Batay sa mga nilalaman ng Manuskritong Sundanes, may kaalaman na ang mga Sundanes ukol sa Batik mula noong ika-12 dantaon. Nakatala sa Sanghyang Siksa Kandang Karesian, isang sinaunang manuskritong Sundanes na isinulat noong 1518 PK, na may batik ang mga Sundanes na kapareho at kumakatawan sa kulturang Sundanes sa pangakalahatan. Marami nga ang mga naitalang disenyo sa teksto, at batay sa mga sanggunian na iyon, nagsisimula nang hakbang-hakbang ang proseso ng paglikha ng Batik Sundanes.[14]

Iniulat ni Rouffaer na kilala na ang huwarang gringsing pagsapit ng ika-12 dantaon sa Kediri, Silangang Java. Naghinuha siya na maililikha lamang ang pinong huwaran sa pamamagitan ng canting, isang pang-ukit na may maliit na imbakan ng mainit na pagkit, at iminungkahi na naimbento ang canting sa Java sa mga panahong iyon.[13] Ang mga detalyeng inukit sa mga damit na isinuot ng mga rebulto sa Prajnaparamita ng Silangang Java mula noong mga ika-13 danton ay nagpapakita ng mga salitgutgot na bulaklaking disenyo sa loob ng mga pabilog na gilid, kahawig ng jlamprang at ceplok, dalawang tradisyonal disenyong pambatik sa Java sa kasalukuyan.[15] Ipinapalagay na kumakatawan ang disenyo sa loto, isang sagradong bulaklak sa mga paniniwalang Hindu-Budista. Ipinapahiwatig ng ebidensya na umiral na ang mga saligutgot na huwarang pambatik sa tela na inilapat gamit ang canting noong ika-13 dantaon sa Java o mas maaga pa.[16] Pagsapit ng huling sangkapat ng ika-13 dantaon, iniluwas ang telang batik mula sa Java patungo sa mga Kapuluang Karimata, Siam, kahit hanggang sa Mosul.[17]

Sa Europa, inilarawan ang kasiningan sa unang pagkakataon sa History of Java (Kasaysayan ng Java), inilathala sa Londres noong 1817 ni Stamford Raffles, na naging Britanikong gobernador sa Bengkulu, Sumatra. Noong 1873, ibinigay ni Van Rijckevorsel, isang komersyanteng Olandes, ang mga pirasong kinolekta niya noong isang biyahe sa Indonesia sa museong etnograpiko sa Rotterdam. Sa kasalukuyan, naroon sa Tropenmuseum ang pinakamalaking koleksyon ng batik Indones sa Olanda. Naging aktibo ang mga kolonistang Olandes at Tsino sa paglilinang ng batik, lalo na ang taga-baybaying batik, sa hulihan ng panahong kolonyal. Nagpasok din sila ng mga bagong huwaran pati paggamit ng cap (blokeng selyo gawa sa tanso) para sa maramihang paggawa ng batik. Itinanghal sa Exposition Universelle sa Paris noong 1900, napahanga ang publiko at manlilikha sa batik Indones.[10]

Noong dekada 1920, ipinakilala ng mga batikero na naglipat patungo sa Malaya (Malaysia ngayon) ang paggamit ng pagkit at blokeng tanso sa silangang baybayin nito.[18]

Sa Subsarahanong Aprika, ipinakilala ang batik Habanes noong ika-19 siglo ng mga Olandes at Ingles na mangangalakal. Inakma ng mga katutubong tao roon ang batik Habanes sa paggagawa ng mga malalaking disenyo na may mas makakapal na linya at mas mararaming kulay. Noong dekada 1970, ipinakilala ang batik sa Australia, kung saan nilinang ito ng mga aboriheng manlilikha tulad ni Erna Bella bilang kani-kanilang sariling kasiningan.[19]

  1. Habanes: ꦧꦛꦶꦏ꧀, IPA[ˈb̥aʈɪʔ]; Malay: [ˈbatɪk]
  2. Habanes: ꦕꦤ꧀ꦛꦶꦁ, IPA[ˈt͡ʃaɳʈɪŋ], binabaybay ring tjanting
  3. Habanes: ꦕꦥ꧀, IPA[ˈt͡ʃap̚], binabaybay ring tjap

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "What is Batik?" [Ano ang Batik?]. The Batik Guild (sa wikang Ingles).
  2. The Jakarta Post Life team. "Batik: a cultural dilemma of infatuation and appreciation". The Jakarta Post.
  3. Robert Pore (Pebrero 12, 2017). "A unique style, Hastings artist captures wonder of crane migration" [Isang natatanging istilo, manlilikhang Hasting, nakuha ang hiwaga ng migrasyon ng mga tagak]. The Independent (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sucheta Rawal (Oktubre 4, 2016). "The Many Faces of Sustainable Tourism – My Week in Bali" [Ang Maraming Pitak ng Mapapanatiling Turismo – Ang Aking Linggo sa Bali]. Huffingtonpost (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sumarsono, Hartono; Ishwara, Helen; Yahya, L.R. Supriyapto; Moeis, Xenia (2013). Benang Raja: Menyimpul Keelokan Batik Pesisir. Jakarta: Kepustakaan Populer Gramedia. ISBN 978-979-9106-01-8.
  6. "Indonesian Batik" [Batik Indones] (sa wikang Ingles). UNESCO. Nakuha noong Oktubre 21, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dictionary.com: Batik
  8. Blust, Robert (Taglamig 1989). "Austronesian Etymologies – IV" [Mga Etimolohiyang Austronesyo – IV]. Oceanic Linguistics (sa wikang Ingles). 28 (2): 111–180. doi:10.2307/3623057. JSTOR 3623057.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Egyptian Mummies" [Mga Ehipsyong Momya]. Smithsonian Institution (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 Nadia Nava, Il batik – Ulissedizioni – 1991 ISBN 88-414-1016-7
  11. "Batik in Africa" [Batik sa Aprika] (sa wikang Ingles). The Batik Guild. Nakuha noong Abril 29, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Batik in Java". The Batik Guild. Nakuha noong 29 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Iwan Tirta, Gareth L. Steen, Deborah M. Urso, Mario Alisjahbana, 'Batik: a play of lights and shades, Volume 1', By Gaya Favorit Press, 1996 ISBN 979-515-313-7 ISBN 978-979-515-313-9
  14. M.Ds, Irma Russanti, S. Pd. History of The Development of Kebaya Sunda [Kasaysayan ng Paglinang ng Kebaya Sunda] (sa wikang Ingles). Pantera Publishing. ISBN 978-623-91996-0-9.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  15. "Keunikan Makna Filosofi Batik Klasik: Motif Jlamprang" [Ang Katangi-tanging Kahulugan ng Pilosopiya ng Klasikong Batik: Disenyong Jlamprang] (sa wikang Indones). Fit in line. Hulyo 19, 2013. Nakuha noong Mayo 1, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Prajnaparamita and other Buddhist deities" [Prajnaparamita at iba pang bathala sa Budismo] (sa wikang Ingles). Volkenkunde Rijksmuseum. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 2, 2014. Nakuha noong Mayo 1, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Jung-pang, Lo (2013). China as a Sea Power, 1127-1368 [China bilang Kapangyarihang Pandagat, 1127-1368] (sa wikang Ingles). Flipside Digital Content Company Inc. ISBN 9789971697136.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Museum of Cultural History, Oslo: Malaysia – Batikktradisjoner i bevegelse Naka-arkibo 2012-07-15 sa Wayback Machine.. Kinuha noong Abril 29, 2014.
  19. Antropolog Australia Beri Ceramah Soal Batik (sa Indones). Nakuha noong Abril 29, 2014.