[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ashur

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pigurang Neo-Asiryo na may balabal na may balahibong magpapana na sumisimbolo kay Ashur.

Si Ashur, Assur, Aššur, A-šur, o Aš-šùr, ay ang pinuno o ulo ng panteon na Asiryo. Bilang isang ginawang diyos na siyudad na Assur, na may petsa mula sa ikatlong milenyo BCE at kabiser ng kahariang Asirya.[1] Sa gayon, si Ashur ay orhinal na walang pamilya ngunit habang ang kulto ay sumailalim sa ilalim ng Mesopotamia ay itinuring na katumbas na Asiryo ni Enlil na punong diyos ng Nippur at isa sa pinakamahalagang mga diyos ng katimugang panteon at sa panahon ay isinama ang asawa ni Enlil na si Ninlil bilang ang diyosang Asiryo na si Mullisu at kanyan mga anak na lalakeng sina Ninurta at Zababa. Ang prosesong ito ay nagsimula noong mga 1300 BCE at nagpatuloy hanggang sa ika-8 hanggang 7 siglo CE.[2] Hindi inatas ng mga Asiryo ang kanilang mga sinakop na tao na kunin ang pagsamba kay Ashura. Sa halip, ang propagandang imperyal na Asirya ay nagdeklara na ang kanilang mga sinakop na tao ay inabandona ng kanilang mga diyos. Nang sakupin ng Asirya ang Babilon sa panahon ni Sargon II(ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE), ang mga skribang Asiryo ay nagsimulang sumulat ng pangalan ni Ashura sa mga tandang kuneiporma na AN.SHAR na literal na "buong kalangitan" sa Akkadian na wika ng Asirya at Babilonia. Ang internsiyon ay tila ilagay si Ashur bilang pinuno ng panteon na Babilonian kung saan si Anshar at ang kanyang kontraparteng si Kishar(buong daigdig) ay nauna kina Enlil at Ninlil.[3] Kaya sa bersiyong Sargonid ng Enuma Elish, ang pambansang mito ng paglikha ng Babilonia, si Marduk na punong diyos ng Babilonia ay hindi lumitaw. Sa halip ay si Ashur bilang Anshra ang pumaslang kay Tiamat na halimaw na kaguluhan at lumikha ng daigdig ng sangkatauhan.[4]

Ang ilang mga skolar ay nag-angki na si Ashur ay kinakatawan bilang isang disko ng araw na madalas ng lumilitaw sa ikonograpiyang Asiryo ngunit ang ebidensiya ay nagpapakita na ito ay ang diyos na araw na si Shamash. Maraming mga haring Asiryo ang may mga pangalan na kinabibilangan ng pangalang Ashur kabilang ang Ashurnasirpal, Esarhaddon (Ashur-aha-iddina), at Ashurbanipal. Ang mga epithet ay kinabibilangan ngbêlu rabû "dakilang panginoon", ab ilâni "ama ng mga diyos", šadû rabû "dakilang bundok", and il aššurî "diyos ni Ashur". Ang mga simbolo ni Ashur ay kinabibilangan ng:

  1. isang may pakpak na araw na may mga sungay na nagsasara ng apat na mga bilog na umiikot sa isang gitnang bilog. Ang umaalong mga sinag ay bumababa sa anumang panig ng disko
  2. isang bilog o gulong na nakabitin mula sa mga pakpak at nagsasara ng isang mandirigma na hinuhugot ang kanyang pana upang patalsikin ang palaso
  3. ang parehong bilog; ang pana ng mandirigma, gayunpaman ay dinadala sa kaliwang kamay samantalang ang kanang kamay ay itinaas na parang pagpapalain ang mga mananamba.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]