[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Alma Moreno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alma Moreno
Kapanganakan
Vanessa Moreno Lacsamana

25 Mayo 1959
AsawaJoey Marquez Fahad Salic
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Si Alma Moreno (tunay na pangalan: Vanessa Lacsamana) ay isang artistang Pilipino. Unang siyang nakilala sa pelikula noong 1975 sa pelikulang Ligaw na Bulaklak na sinundan ng Eva Fonda, 16 matapos nang ilang taong pagiging extra. Si Artemio Marquez ang masasabing nakadiskober sa kanya at nagbigay ng unang pagkakataon ngunit si Jessie Ejercito ng Seven Stars Productions ang nagbigay ng pinakamalaking break kay Moreno na sinundang ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films kung saan gumawa si Moreno nang maraming pelikula kagaya ng Paraisong Parisukat, Nympha, Abandonada, at City After Dark. Naging aktibo rin si Moreno sa telebisyon noong kalagitnaan ng dekada 1980 sa pamamagitan ng Loveliness at isang comedy sitcom na kasama si Michael de Mesa.

Taong 1976 nang makatambal niya sa unang pagkakataon ang aktor na si Rudy Fernandez sa pelikulang Bitayin si Baby Ama. Sa pelikulang ito nag-umpisa ang kanilang relasyon na tumagal hanggang 1980. Binayayaan sina Moreno at Fernandez ng isang anak na lalaki, si Mark Anthony Fernandez, noong Enero 1979. Pagkatapos ni Rudy, isang aktor uli ang nakarelasyon ni Ness, si Dolphy, na ama ng pangalawanang anak na lalaki na si Vandolph. Nang maghiwalay sina Moreno at Dolphy, nakarelasyon naman ni Moreno si Joey Marquez na isang basketball player, artista, at politiko. Nagpakasal siya kay Marquez ngunit naghiwalay din sila. Biniyayaan sila ng tatlong anak. Sa ngayon, si Alma Moreno na isa na rin lola (parehong may mga anak na sina Mark at Vandolph).