[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Tobias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Tobias[1] o Aklat ni Tobit[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Kabilang ito sa mga deuterokanonikong aklat ng Bibliya.

Tungkol sa kasaysayan ng mag-anak ni Tobias, kilala rin bilang Tobit na anak ni Tobiel, ang librong ito. Isang Israelita si Tobias na dating nanirahan sa hilaga ng Palestina. Nanatili siyang matapat sa batas ng Diyos kahit na naging laganap ang kasamaan sa kaniyang bayan. Dati siyang nadalang bihag sa Ninive ng Asiria. Bilang pagsubok ng Diyos sa kaniya, nabulag siya dahil sa dumi ng isang ibon. Dahil sa pagsubok na ito, inatasan niya ang kaniyang anak na Tobias/Tobit din ang pangalan, para maningil ng utang sa kanila ni Gabael (o Gabelo). Tinulungan sila ng anghel na si Rafael sa tungkuling ito. Nagpakita sa magkapangalang mag-ama ang anghel na si Rafael sa kaanyuan ni Azaria. Makaraang magtagumpay sa paniningil, nanumbalik ang pananaw ng matandang Tobias; samantalang nakakuha naman ng mabait na asawa ang anak niyang si Tobias.[1]

Puno rin ng mga mabubuting aral para sa mag-anak ang librong ito ni Tobias.[1]

Hindi matiyak kung ano ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Aklat ni Tobias. Maaaring Ebreo o Arameo. Pinakamatatandang kopya nito ang tinatawag na Codex Sinaiticus, Codex Vaticanus, at Vulgata. Nagkakaisa sa nilalaman ang tatlo subalit mayroong mga hindi pagkakahawig. Maiksi lamang ang paglalahad sa Vulgata, samantalang mahahaba ang mula sa Codex Sinaiticus at Codex Vaticanus. Ginawa ni San Jeronimo ang pagsasalin buhat sa wikang Arameo, at sinasabing isang araw lamang niyang ginawa.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Aklat ni Tobias, Aklat ni Tobit". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]