[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Abraham ibn Ezra

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abraham ibn Ezra
ראב"ע
An illustration of Ibn Ezra (center) making use of an astrolabe.
Kapanganakanc. 1089 - 1092
Kamatayanc. 1164 - 1167
Kilala sawriting commentaries, grammarian
AnakIsaac ben Ezra

Si Abraham ben Meir Ibn Ezra (Hebreo: ר׳ אַבְרָהָם בֶּן מֵאִיר אִבְּן עֶזְרָאʾAḇrāhām ben Mēʾīr ʾībən ʾĒzrāʾ, na karaniwang pinaikling ראב"ע; Arabe: إبراهيم المجيد ابن عزراIbrāhim al-Mājid ibn Ezra; na kilala rin bilang Abenezra o Ibn Ezra, 1089 / 1092 – 27 Enero 1164 / 28 Enero 1167)[1][2] ay isa sa pinakatitingalang Hudyong iskolar, komentador ng Bibliya at pilisopo ng Gitnang Panahon. Siya ay ipinanganak sa Tudela sa hilagang silangan ng Espanya.

Si Abraham Ibn Ezra ay ipinanganak sa Tudela sa kasalakuyang probinsiya ng Navarre ng Espanya. Sa panahong iyon, ang bayan ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga emir ng Zaragoza. Siya ay lumipat sa Córdoba.

Impluwensiya sa Kristismong Pambibliya at pilosopiya ng relihiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kanyang komentaryo, siya ay naniwala s literal na kahulugan ng mga teksto ng Aklat ng Genesis sa halip na Rabinikong alegorya at interpretasyong Kabbalah. Kabilang sa kanyang itinaguyod ay ang pananaw na hindi si Moises ang may akda ng Torah

Sa kanyang komentary, si Ezra ay napighati sa anomalosong kalikasan ng pagtukoy kay Moises ng "lagpas sa Jordan" na tila ang may akda ay nasa lupain ng Canaan na kanluran ng Ilog Hordan bagaman si Moises at ang Israel ay hindi pa nakakatawid sa Jordan ayon sa Bibliya.[3] Ukol sa salungatang ito, ipinahayag ni ibn Ezra na

"Kung mauunawa mo ang misteryo sa likod ng sumusunod na mga problematikong talata: 1) Ang huling 12 talata ng aklat na ito [i.e., Deuteronomio 34:1–12, na naglalarawan sa kamatayan ni Moises], 2) 'Isinulat ni Moshe amg awiting ito sa parehong araw at itinuro sa Israel' [Deuteronomio 31:22]; 3) 'Sa panahong iyon, nanahan ang mga Cananeo sa lupain' [Genesis 12:6]; 4) '... Sa bundok ng Diyos, siya ay lilitaw [Genesis 22:14]; 5) 'tignan, ang kanyang[Og hari ng Bashan] kama ay kama ng bakal [hindi ba sa Rabba ng anak ni Ammon?]' maiintindihan niyo ang katotohan."[3]

[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Encyclopaedia Judaica, pages 1163–1164
  2. Jewish Encyclopedia (online); Chambers Biographical Dictionary gives the dates 1092/93 – 1167
  3. 3.0 3.1 Jay F. Schachter, The Commentary of Abraham Ibn Ezra on the Pentateuch: Volume 5, Deuteronomy (KTAV Publishing House 2003)
  4. For example, Spinoza understood Ibn Ezra's commentary on Genesis 12:6 ("And the Canaanite was then in the land"), wherein Ibn Ezra esoterically stated that "some mystery lies here, and let him who understands it keep silent," as proof that Ibn Ezra recognized that at least certain Biblical passages had been inserted long after the time of Moses.