[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Andal Ampatuan, Sr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andal Ampatuan
Kapanganakan1941
  • ()
Kamatayan17 Hulyo 2015
MamamayanPilipinas
Trabahopolitiko
AnakDatu Andal Ampatuan
Zaldy Ampatuan

Si Andal Ampatuan, Sr. (1941–17 Hulyo 2015) ay ang apo ng angkan ng Ampatuan, isang angkang pampolitika sa lalawigan ng Maguindanao sa pulo ng Mindanao, Pilipinas. Siya ang gobernador ng lalawigan.

Si Ampatuan Sr. ay isa nang pangalawang alkalde nang tinalaga siya ng Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang alkalde at officer-in-charge ng Magonoy (ngayon ay Shariff Aguak). Nang sai Corazon Aquino ay nagkaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng 1986 EDSA People Power Revolution, pinalitan niya ang lahat ng mga opisyal na officer-in-charge na hala sa lokal na pamahalaan. Si Ampatuan Sr. ay napalitan ng isa pang Ampatuan, Datu modi na naglingkod sa loob ng dalawang taon kapalit kay Andal Sr..[1]

Noong Lokal na halalan sa Pilipinas, 1988, si Andal Ampatuan Sr. ay naglingkod sa loob ng sampung taon. Noong Pangunahing halalalan sa Pilipinas, 1998, si Andal Sr. ay nahalal bilang isang gobernador.[2]

Noong 2001, ang angkan ng ampatuan ay nagpatibay sa kapangyarihan nito sa pamamagitan ng malapit na pakikipagkaibigan kay Gloria Macapagal Arroyo nang siya ay naging pangulo matapos ang EDSA Paople Power II. Noong Halalan sa pagkapangulo, 2004, Nanguna si Arroyo sa mga bilangan sa Shariff Aguak at sa halos buong Maguindanao. Isang kuro-kuro na may pandarayang naganap sa Maguindanao at sa iba pang mga lalawigan sa Mindanao na ang mga resulta ay pinakita ng pangunahing karibal ni Arroyo at kilalang aktor, Fernando Poe Jr.. Ang halalang panggitnang termino noong 2007 para sa senado ay nagtuon ng pansin sa Maguindanao uli bilang ang tanging lalawigan na nagbigay ng isang 12–0 na panalo para sa senadong pambato ni Arroyo, ang Team Unity.[3]

Noong 2006, nagpalabas si Arroyo ng Executive Order 546 na nagpapahintulot sa mga lokal na opisyal at ang mga pulis na magtalaga ng mga lokal na hukbo para labanan ang mga kaguluhan. Ang mga ito ay naging kilala sa tawag na civilian volunteer organizations o CVOs sa mga lokal na lugar. Ang Executive Order ay naipalabas lang matapos ang isang pagtatangkang pagpatay kay Andal Ampatuan, Sr..[4]

Ang mga anak ni Ampatuan, Zaldy Ampatuan, at Andal Ampatuan, Jr. ay parehong nabibilang sa angkang pampolitika niya. Nagkaroon ng pansing pandaigdigan noong Nobyembre 2009 nang siya ay kinilala bilang ang pangunahing suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao.[5] Matapos ang pangyayari, ang tatlong Ampatuan ay tinanggal sa partidong pampolitika Lakas Kampi CMD ng Pangulong Gloria Arroyo.[5] Si Andal Jr. ay kasalukuyang nakakulong sa National Bureau of Investigation ng Pilipinas ay nakasuhan ng maraming bilang ng pamamaslang matapos damputin noong 1 Disyembre 2009.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.ellentordesillas.com/?p=8414. {{cite news}}: Missing or empty |title= (tulong)
  2. "Cory gave Ampatuan patriarch his break". Newsbreak Online. 2009-11-26. Nakuha noong 2009-11-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-06. Nakuha noong 2009-12-14.{{cite news}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.gmanews.tv/story/177671/in-maguindanao-no-one-dares-cross-the-ampatuans. {{cite news}}: Missing or empty |title= (tulong)
  5. 5.0 5.1 Conde, Carlos H.; Norimitsu Onishi (25 Nobyembre 2009). "Suspect in Philippine Election Killings Surrenders". The New York Times. Nakuha noong 26 Nobyembre 2009. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.huffingtonpost.com/tag/andal-ampatuan-jr-murder. {{cite news}}: Missing or empty |title= (tulong)