[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Amaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Amaya (Baybayin: ᜀᜋᜌ) ay isang pangkasaysayang kuwento at drama na ginawa ni Suzette Doctolero, kung saan ginampanan ni Marian Rivera ang pangunahing tauhan. Sa direksiyon ni Mac Alejandre, una itong ipinalabas noong 30 Mayo 2011 sa GMA Network at noong 1 Hunyo 2011 sa GMA Pinoy TV.

Ang panahon na pinaguukulan ng kuwento ay panahon bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, sa Visayas naman ang lugar nang pinangyarihan. May isang primer na pinamagatang Amaya: The Making of an Epic ang ipilabas noong Mayo 28 sa Pilipinas at Mayo 29 sa Pinoy TV, sa buong mundo.

Ang batikang aktor at direktor na si Cesar Montano ang tumayo bilang host. Sinasabing ang Amaya ang pinakamahal at pinaka-ginastusang drama para sa 2011. Mahigit kumulang 15 milyong piso ang ginasta rito. Ito rin ang kauna-unahang pangkasaysayang epikong drama sa telebisyon sa Pilipinas.

Nai-stream ang serye sa YouTube.[1]

Binuo ang Amaya ng bandang malapit na matapos ang 2009, at ipinresenta noong Q1 2010 GMA Network Trade Launch bilang bahagi ng mga susunod na programang ipapalabas ng network para sa 2010.

Unang pinamagatang “Sultana,” maraming naging pagbabago sa pamagat nito bago naging “Amaya” ang huling pamagat. Dahil sa kinakailangang sa produksiyon, ipinagpaliban ang pagpapalabas nito, imbis na sa Q4 2010 ipalabas, Q2 2011 na ito ipinalabas. Ang istorya ng palabas, na nakalagak sa panahon bago dumating ang mga Kastila, ay nagtulak sa mga producers na bumuo ng sets sa maraming lugar tulad ng Pagsanjan sa Laguna, Bolinao, Pangasinan, at Bagac, Bataan. Kailangang kunan ang palabas sa location sites di tulad ng Encantadia na kinuha sa loob ng soundstages.

Bumuo rin ang produksyon ng isang sinaunang barkong pandigma na tinatawag na Karakoa. Gawa ito mula sa katawan ng isang modernong barko na binago ang disenyo upang maging katulad ng sinaunang Karakoa. Mahigit kumulang dalawang milyong piso ang nagastos sa bawat isang yunit ng Karakoa. Nakibahagi ang mga kilalang guro ng kasaysayan sa pagbubuo ng konsepto ng palabas.

Sina Dr. Vic Villan at Prof. Neil Santillan ng University of the Philippines Diliman History Department ay nagsilbi bilang konsultant sa mga detalye ng kasaysayan. Si Dennis Marasigan, isang direktor pang-teatro, ay kinuha upang maging movement director.

Si Hazel Escano ang unang aktor na kinuha sa palabas. Nagkaroon ng mga awdisyon upang punan ang mga natitirang tauhan. Ang baguhang si Mikael Daez ang napili bilang Lumad noong Enero 2011. Inimbitahan din si Sid Lucero upang mag-awdisyon kahit na may koneksiyon pa siya sa kalabang network na ABS-CBN. Sa huli, si Lucero din ang napili upang gumanap ng Bagani.

Kinuha ang Amaya sa mataas na resolusyong Hi-Def 1080p, bilang nagpaplano na ang GMA na kunan ang lahat ng palabas nito gamit ang mga HD cameras bago matapos ang 2011. Noong Agosto 2011, nanguna ito sa IMBD list of Best TV shows for 2011.

Noong Agosto 2011, may mga kuro-kuro na ipapasok sa palabas si Aljur Abrenica. Noong Setyembre 2011, kinumpirma ito ng management at ipinakilala si Aljur bilang Dayaw, susunod na maging pinuno ng kanyang tribo, noong 4 Oktubre 2011.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Amaya (Full Episodes) - YouTube". Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]