Chaz Bono
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Enero 2014) |
Chaz Bono | |
---|---|
Kapanganakan | Chastity Sun Bono 4 Marso 1969 Los Angeles, California, U.S. |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1972–present |
Magulang | Sonny Bono Cher |
Kamag-anak | Elijah Blue Allman (half-brother) Georgia Holt (grandmother) |
Si Salvatore Bono (ipinanganak na Chastity Sun Bono; 4 Marso 1969) ay isang Amerikanong tagapagtaguyod ng mga transgender, manunulat, artista, at musikero. Siya ay ang nag-iisang anak ng mga Amerikanong entertainers na sila Sonny at Cher, ngunit silang dalawa ay may mga anak din sa iba nilang nakarelasyon.[2][3] Si Bono ay isang transgender na lalaki.
Noong 1995, pagkaraan ng ilang mga taon kung kailang tinatawag siyang tomboy sa mga tabloid, umamin na ng tuluyan si Bono sa publiko sa pamamagitan ng pagiging cover story sa isang sikat na buwanang Amerikanong magazine para sa mga bakla, ang The Advocate. Tinalakay pa ni Bono ang proseso ng “coming out” o pag-amin sa sarili at sa ibang mga tao tungkol sa kanyang sekswalidad sa dalawa pang libro. Nilalaman din ng Family Outing: A Guide to the Coming Out Process for Gays, Lesbians, and Their Families (1998) ang kuwento ng pag-amin ng manunulat. Ang kanyang talambuhay na pinamagatang The End of Innocence (2003) ay tumalakay tungkol sa pag-amin ng manunulat, ang kanyang karera sa musika, at ang pagkamatay ng kanyang karelasyon na si Joan sa non-Hodgkin’s lymphoma.[4]
Sa pagitan ng 2008 at 2010, sumailalim si Bono sa female-to-male gender transition o ang pagpapapalit ng kanyang kasarian galing babae sa lalaki. Isang dalawang-parteng artikulo sa Entertainment Tonight noon Hunyo 2009 ay nagpaliwanag na ang transpormasyon ni Bono ay nagsimula isang taon na ang nakakalipas.[5] Noong Mayo 2010, legal na binago ni Bono ang kanyang pangalan at kasarian. Isang dokumentaryo tungkol sa karanasan ni Bono, Becoming Chaz, ay ipinalabas sa 2011 Sundance Film Festival at sa OWN: Oprah Winfrey Network
Kabataan at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bono ay ang nag-iisang anak nila Cher at Sonny Bonoo ng pop duo na Sonny & Cher at mga bida ng variety show sa telebisyon kung saan madalas ding ipakita ang bata pa noon na si Bono. Siya ay pinangalanang Chastity Sun Bono dahil sa pelikulang Chastity, na ginawa ni Sonny at kung saan gumanap si Cher (sa kanyang unang pelikula) bilang isang bisexual na babae.[8]
Umamin si Bono bilang tomboy noong siya ay labingwalong taong gulang. Sa Family Outing, isinulat ni Bono na “bilang bata, naramdaman kong may kakaiba sa akin. Tumitingin ako sa ibang mga babaeng kasing tanda ko at naguguluhan ako sa kanilang interes sa mga damit, kung sinong lalaki sa klase ang pinakamatipuno, at kung sinong pinakakahawig ng cover girl na si Christie Brinkley. Noong labingtatlong taong gulang na ako, nahanapan ko na ng pangalan ang kakaibahan ko. Napagtanto kong ako ay tomboy.[9]
Ceremony
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang maikling karera ni Bono as musika sa bandang Ceremony,[4] na naglabas ng isang album, Hang Out Your Poetry, noong 1993. Itinampok ng banda si Bono bilang bokalista, tagatugtog ng acoustic na gitara at percussion. Ang ibang mga miyembro ng banda ay sila Steve March Tormé (backup na bokalista), Heidi Shink a.k.a. Chance, Pete McRae, Steve Bauman, Louis Ruiz, at Bryn Mathieu. Lahat maliban sa isa ng mga kanta ng banta ay sinulat o pinagtulungang isulat nila Bono, Shink, at Mark Hudson. Hindi sila gumamit ng synthesizers o digital effects sa kanilang album; sabi ni Shink, “Tinalukuran naming ang teknolohiya. […] Maalala dito ang 60’s, ngunit ito ay pagbibigay-pugay kaysa sa paggaya. Kinuha namin ang musikang kinalakihan at minahal naming at inayos ito, ginawang 90’s.”
Ang kantang “Could’ve Been Love” ay inilabas bilang single galing sa album. Ang ibang mga kanta ng album ay “Goodbye Sunshine”, “Steal Your Heart”, “Day by Day”, “Ready for Love”, “Ready for Love (Refrain)”, “Hang Out Your Poetry”, “Turn It Over”, “Trust”, “2 of 1”, “First Day of My Life”, “Breathless”, “Living in Paradise” and “Livin’ It Up”. Gumanap din bilang backing vocals sila Sonny at Cher (uncredited) para sa huling kanta ng album.
LGBT activism
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Abril 1995, umamin bilang tomboy si Bono sa isang pakikipanayam sa The Advocate, isang pambansang magazine para sa mga bakla at tomboy.[11] Ang 1998 na librong Family Outing ay nagdetalye kung paano siya “itinulak” ng kanyang pag-amin “sa isang papel na pampolitika na nagbago ng aking buhay, nagbigay ng kasiguraduhan bilang tomboy, babae, at indibidwal.” Sa parehong libro, sinabi rin ni Bono na si Cher, isang gay icon at kakampi ng komunidad ng mga LGBT, ay hindi agad naging komportable sa balita at “nagalit”[13] bago pa matanggap ang pag-amin niya: “Simula noong Agosto 1996, isang taon pagkatapos ako umamin sa publiko, natanggap na ko ng aking ina hanggang sa punto na pumayag siyang “umamin” sa pabalat ng The Advocate bilang isang nagmamalaki na ina ng isang tomboy. [12] Si Cher simula noon ay naging aktibista na ng mga karapatan ng LGBT.
Ang relasyon ni Bono sa kanyang ama ay humina pagkatapos maging Republican Congressman si Sonny ng California. Pinaghiwalay sila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala sa politika, and ang dalawa ay hindi nakapag-usap ng lagpas isang taon hanggang sa mamatay si Sonny sa isang aksidente sa skiing noong Enero 1998.[11]
Nagtrabaho bilang manunulat si Bono sa The Advocate. [4] Bilang isang panlipunang aktibista, nagging tagapagsalita siya ng Human Rights Campaign, itinaguyod ang National Coming Out Day, nangampanya para sa magbabalik-opisina ni Bill Clinton bilang Presidente ng Estados Unidos, at nagsilbi bilang Entertainment Media Director ng Gay and Lesbian Alliance Against Defamation (GLAAD). [4] Naging kapitan din siya ng kanyang grupo para sa Celebrity Fit Club 3 (2006) at sinuportahan pa siya ng kanyang kasintahan na si Jennifer Elia, na siyang nagpasimuno ng ehersisyo at pagsasanay.
Pagpapalit ng kasarian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong kalagitnaan ng 2008, nagsimula ang pagsasailalim ni Bono sa isang pisikal at panlipunang pagpapalit ng kasarian bilang babae na magiging lalaki. Nakumpirma ito noong Hunyo 2009 ng kanyang tagapagpahayag,[5] na siya ring naglahad na ang ginugusto nang pangalan ni Bono ay Chaz Bono, “Umaasa si Chaz na ang kanyang desisyon sa pagpapalit ng kasarian ay magbubukas ng puso at isip ng publiko tungkol sa isyung ito, tulad ng kanyang pag-amin.”[15] Ang GLAAD at Empowering Spirits Foundation ay mabilis na nagpaabot ng kanilang papuri at pagsuporta sa anunsiyong ito.[16][17] Nakumpleto ang legal na pagpapalit ng kasarian ni Bono noong 7 Mayo 2010 noong pumayag ang korte ng California sa kanyang kahilingan para baguhin ang kanyang kasarian at pangalan. Pinili niya ang pangalang “Chaz Salvatore Bono” bilang pagpugay sa kanyang mga magulang.[6][18] Ginawa ni Bono ang Becoming Chaz, isang pelikulang dokumentaryo tungkol sa kanyang pagpapalit ng kasarian na ipinalabas sa 2011 Sundance Film Festival. Ang OWN: Oprah Winfrey Network ay nakuha ng karapan at ipinalabas nila ang dokumetaryo noong 10 Mayo 2011.
Noong Setyempre 2011, sumali si Bono bilang mananayaw sa ika-labingtatlong season ng bersiyon ng Estados Unidos ng Dancing with the Stars kasama ang kaparehong si Lacey Schwimmer. Natanggal si Chaz noong Oktubre 25.
Bibliography
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Family Outing (with Billie Fitzpatrick) (1998)ISBN 0-316-10233-4
2. The End of Innocence: A Memoir (with Michele Kort) (2003) ISBN 1-55583-795-6
3. Bono, Chaz, and Billie Fitzpatrick. Transition: the story of how I became a man. New York: Dutton, 2011. Print.
Footnotes
[baguhin | baguhin ang wikitext]1.^ "Cher's son now officially a man". BBC News. 2010-05-07. Retrieved 2011-11-14.
2.^ "Chastity Bono Undergoing Gender Change". TV Guide. 2009-06-11. Retrieved 2009-06-11.
3.^ "Chastity Bono is Chaz Bono" Naka-arkibo 2011-10-06 sa Wayback Machine.. Right Celebrity. 2009-06-11. Retrieved 2009-06-11.
4.^ a b c d Marcus, Lydia (2006-03-21)."Interview with Chastity Bono". AfterEllen. Retrieved 2007-02-19.
5.^ a b c "Chaz Bono", Hunyo 15–16, 2009,Entertainment|Tonight.
6.^ a b "Chaz Bono granted gender and name change" Naka-arkibo 2015-01-06 sa Wayback Machine..Fox News Channel. 2010-05-06.
7.^ "Chaz Bono Documentary To Debut On OWN | Access Hollywood - Celebrity News, Photos & Videos". Access Hollywood. Retrieved 2011-11-14.
8.^ Bryant, Wayne, M. (1996). Bisexual Characters in Film, from Anaïs to Zee.Haworth Press. p. 117. ISBN 978-0789001429
9.^ Bono, Chaz (as Chastity); Fitzpatrick, Billy (1998). Family Outing. New York: Little, Brown. p. vii.ISBN 0316102334.
10.^ "Internet Archive Wayback Machine". Web.archive.org. 2001-04-12. Retrieved 2011-11-14.
11.^ a b Freydkin, Donna (1998-10-14). "Chastity Bono opens up about coming out" Naka-arkibo 2011-01-31 sa Wayback Machine.. CNN. Retrieved 2007-02-20.
12.^ a b Bono, Chaz (as Chastity); Fitzpatrick, Billy (1998). Family Outing. New York: Little, Brown. p. viii.ISBN 0316102334.
13.^ Bono, Chaz (as Chastity); Fitzpatrick, Billy (1998). Family Outing. New York: Little, Brown. p. 207.ISBN 0316102334.
14.^ "I prefer him as a man: Chaz Bono's girlfriend Jennifer Elia speaks out about his sex change as the pair discuss wedding plans | Mail Online". Dailymail.co.uk. 2011-05-13. Retrieved 2011-11-14.
15.^ "Chastity Bono Undergoing Gender Change"[patay na link].seattlepi.com. 11 Hunyo 2009.
16.^ "GLAAD--Bravo to Bono". TMZCNN. 2009-06-11. Retrieved 2009-06-11.
17.^ "ESF Applauds Chastity Bono's Gender Transition Announcement" (PDF) Naka-arkibo 2009-06-16 sa Wayback Machine.. Empowering Spirits Foundation Press Release. 2009-06-11. Retrieved 2009-06-11.
18.^ "Chaz Bono, Cher's child, becomes a man after Southern Californian judges grants gender change" Naka-arkibo 2011-06-14 sa Wayback Machine.. Herald Sun. 2010-05-07. Retrieved 2010-05-07.
19.^ "BBC News - Cher berates 'bigots' attack on son's role in TV show". Bbc.co.uk. 2011-09-02. Retrieved 2011-11-14.
20. ^ Corneau, Allison (26 Oktubre 2011). Dancing With the Stars: Chaz Bono Sent Home.
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. The Official Chaz Bono Website Naka-arkibo 2011-09-23 sa Wayback Machine.
2. Chaz Bono at the Internet Movie Database
3. Allmusic.com entry on Bono's band Ceremony
- Isinalin sa Filipino galing sa Ingles na Artikulong Chaz Bono
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Mayo 2019) |