[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ika-13 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1291)
Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1200 dekada 1210 dekada 1220 dekada 1230 dekada 1240
dekada 1250 dekada 1260 dekada 1270 dekada 1280 dekada 1290
Ang Imperyong Mongol noong 1227 sa pagkamatay ni Genghis Khan
Dobleng pilak na dirham ni Ghazan Khan na ginawa pagkatapos ng panghihimasok ng Imam na si Ibn Taymiyyah.[1]
Harap: Leyenda sa Arabe: لاإله إلا الله محمد رسول الله صلى الله عليه وسلم/ ضرب تبريز/ في سنة سبع ...ر Lā ilāha illa llāha Muḥammadun rasūlu llāhi ṣalla llāhu ʽalayhi wa-sallam / ḍuriba Tabrīz / fī sanati sabʽin ...: "Walang ibang Diyos kundi si Allah, si Muhammad ang kanyang Propeta, sumakanya ang Kapayapaan / Naka-minta sa Tabriz sa taong ...7"
Likod: Leyenda sa sulat Mongoliyano (maliban para sa "Ghazan Mahmud" sa Arabe): Tengri-yin Küchündür. Ghazan Mahmud. Ghasanu Deledkegülügsen: "Sa pamamagitan ng kalakasan ng Kalangitan / Ghazan Mahmud / Ginawa ang barya para sa Ghazan".
Minta ng Tabriz. 4.0 gr (0.26 g). Pilak.
Ang pambungad na pahina ng isa sa mga gawang pangmedisina ni Ibn al-Nafis. Marahil na kopya ito na ginawa sa India noong ika-17 dantaon o ika-18 dantaon.

Ang ika-13 dantaon (taon: AD 1201 – 1300), ay isang siglo na tumagal mula Enero 1, 1201 hanggang Disyembre 31, 1300 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano.

Sa panahong ito, itinatag ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol, na sumakop mula Silangang Asya hanggang Silangang Europa. Binago ang kurso ng mundong Muslim ang mga pananakop ni Hulagu Khan at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng Baghdad (1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong Islamiko. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng Imperyong Mali at Sultanato ng Delhi ang sumakop sa malaking bahagi ng Kanlurang Aprika at subkontinenteng Indiyano, habang nakaranas ang Budismo ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na Gitnang Panahon.

Mahahalagang tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Maagang ika-13 dantaon – pininta ni Xia Gui ang Labing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo, noong Dinastiyang Katimugang Song.
  • Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyong Ars antiqua ng Kanluraning musikang Europeo.
  • Ang pinakamaagang kilang kwitis, mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
  • Hiniram ng mga Tsino ang mulino mula sa Islamikong mundo.
  • Naimbento ang salamin sa mata sa Venice, Italya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Para sa numastikong impormasyon: Coins of Ghazan Naka-arkibo 2008-02-01 sa Wayback Machine., pagbasa sa barya ng Ilkhanid Naka-arkibo 2008-02-01 sa Wayback Machine. (sa Ingles).