Unibersidad ng Sanaa
Sana'a University | |
---|---|
جامعة صنعــاء | |
Itinatag noong | 1970 |
Uri | Public |
Pangulo | Dr. Faozi Alsagheer |
Mag-aaral | around 8,000-14,000 every year |
Lokasyon | , |
Ang Unibersidad ng Sanaa (Arabe: جامعة صنعــاء; Ingles: Sana'a University) ay itinatag noong 1970 bilang ang una at pangunahing unibersidad sa Yemen Arab Republic (North Yemen), ngayon ay ang Republika ng Yemen. Ito ay matatagpuan sa Sanaa, ang kabisera ng Yemen, at sa kasalukuyan ay nakaorganisa sa 17 fakultad. Dati, ang unibersidad ay matatagpuan sa 15°20′53.16″N 44°11′26.83″E / 15.3481000°N 44.1907861°E, at itinayo sa lugar ng lumang sementeryong Hudyo.
Si Tawakel Karman, na nakatanggap ng 2011 Nobel Peace Prize, ay merong gradwadong digri mula sa Unibersidad. Siya ang unang mamamayan ng Yemen, at unang babaeng Arabe na nakatanggap ng Nobel.
Nang maitatag ang Unibersidad ng Sanaa, ito ay may dalawang fakultad: ang mga Fakultad ng Sharia at Batas at Fakultad ng Edukasyon. Noong 1974, nabuo ang tatlong bagong mga fakultad: Sining, Agham, at Edukasyon. Naihiwalay mula sa Fakultad ng Sharia at Batas ang Kagawaran ng Negosyo, na naging malayang fakultad matapos ang isang taon. Sa panahong iyon, nagdagdag ang unibersidad ng limang fakultad at ang patuloy ang pagpapalawak nito hanggang maidagdag ang iba pang mga ispesyalidad. Noong 2000, ang unibersidad ay may 17 fakultad, sampung sa mga ito ay nasa Sanaa; ang iba naman ay nakakalat sa buong bansa.
15°21′54″N 44°11′04″E / 15.365092°N 44.184467°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.