[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tokoname

Mga koordinado: 34°53′11.5″N 136°49′56.4″E / 34.886528°N 136.832333°E / 34.886528; 136.832333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tokoname

常滑市
Paikot sa kanan mula sa taas: Gusaling Panlungsod ng Tokoname; Dalampasigan sa Ōno; Paliparang Pandaigdig ng Tokoname; Tokoname ware tiles
Watawat ng Tokoname
Watawat
Opisyal na logo ng Tokoname
Kinaroroonan ng Tokoname sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Tokoname sa Prepektura ng Aichi
Tokoname is located in Japan
Tokoname
Tokoname
 
Mga koordinado: 34°53′11.5″N 136°49′56.4″E / 34.886528°N 136.832333°E / 34.886528; 136.832333
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeTatsuya Itō
Lawak
 • Kabuuan55.90 km2 (21.58 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan57,872
 • Kapal1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoHapones na Itim na Pino
- BulaklakCamellia sasanqua
Bilang pantawag0569-35-5111
Adres4-1 Shinkai-chō, Tokoname-shi, Aichi-ken 479-0837
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Tokoname (常滑市, Tokoname-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 57,872 katao ang lungsod sa 24,872 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon ng 1,035 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 55.90 square kilometre (21.58 mi kuw).

Ini-uugnay ang Tokoname sa paggawa ng mga seramiko mula pa noong panahong Heian, at ang mga gawang Tokoname-yaki mula sa panahong ito ay natuklasan sa mga lugar na kasinlayo ng Prepektura ng Aomori sa hilaga at Prepektura ng Kagoshima sa timog. Pagsapit ng panahong Kamakura, higit sa 3,000 mga lutuan o hurnuan ay aktibo. Noong panahong Sengoku, napasailalim ang lugar sa angkang Isshiki, at kalaunan ay napunta sa pamumuno ni Oda Nobunaga at Toyotomi Hideyoshi. Noong panahong Edo, ang lugar ng kasalukuyang Tokoname ay bahagi ng Dominyong Owari.

Kasunod ng mga pagbabagong katastro sa ilalim ng pagpapanumbalik ng Meiji noong 1889, itinatag ang bayan ng Tokoname kasabay ng pagtatatag ng sistema ng makabagong mga munisipalidad. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Abril 1, 1954 nang sinanib ito sa mga bayan ng Onizaki (鬼崎), Nishiura (西浦) at Ōno (大野), at nayon ng Miwa (三和村).

Ang Tokoname ay matatagpuan sa kanlurang baybaying-dagat ng Tangway ng Chita sa katimugang Prepektura ng Aichi, kaharap ng Look ng Ise.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] hindi gaanong nagbabago ang populasyon ng sa Tokoname sa nakalipas na 50 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1960 51,919—    
1970 54,168+4.3%
1980 54,343+0.3%
1990 51,784−4.7%
2000 50,183−3.1%
2010 54,858+9.3%

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Tokoname sa Wikimedia Commons

  • Opisyal na websayt (sa Hapones) (kalakip ng kawing papunta sa mga pahinang nasa wikang Ingles)