[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sipilis: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
AnakngAraw (usapan | ambag)
Sanggunian: baybay
AnakngAraw (usapan | ambag)
dagdag na seksyon
Linya 1: Linya 1:
Ang '''sipilis'''<ref name=Health>[http://www.healthinfotranslations.com/pdfDocs/070670_Tag_Final_STD.pdf "Sipilis." ''Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik''], HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong Agosto 8, 2008</ref><ref name=Teenfad>[http://www.teenfad.ph/NEWS/current/healthy_body_sti_hiv_aids.htm “Sipilis”], ''Sexually Transmitted Infection'', "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: Marso 13, 2008</ref> ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''syphilis'') ay isang uri ng [[sakit na nakukuha sa pakikipagtalik]]. Isa itong masalimuot na karamdaman. Kumplikado ang sakit na ito dahil kinabibilangan ito ng tatlong yugto. Pagkaraan ng dalawang naunang mga yugto, nagkakaroon ng tinatawag na pamamahinga ng mga sintomas, bago sumapit ang ikatlong yugto ng sakit. May sari-sariling mga palantandaan o sintomas ang bawat yugto. Mayroon ding mga iba’t iba at kani-kaniyang kumplikasyon ang mga yugtong ito. Dinudulot ang sipilis ng bakteryang [[treponema paladyum]] (Ingles: ''[[treponema palladium]]'').<ref name=Teenfad/>

==Kahalan ng pagpapagamot==
Maaaring mabigyan ng lunas ang sakit na sipilis kapag naagapan sa tulong ng panggagamot.<ref name=Teenfad/>

==Pagsasalin at paghawa==
==Pagsasalin at paghawa==

Pagbabago noong 05:32, 10 Agosto 2008

Ang sipilis[1][2] (Ingles: syphilis) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Isa itong masalimuot na karamdaman. Kumplikado ang sakit na ito dahil kinabibilangan ito ng tatlong yugto. Pagkaraan ng dalawang naunang mga yugto, nagkakaroon ng tinatawag na pamamahinga ng mga sintomas, bago sumapit ang ikatlong yugto ng sakit. May sari-sariling mga palantandaan o sintomas ang bawat yugto. Mayroon ding mga iba’t iba at kani-kaniyang kumplikasyon ang mga yugtong ito. Dinudulot ang sipilis ng bakteryang treponema paladyum (Ingles: treponema palladium).[2]

Kahalan ng pagpapagamot

Maaaring mabigyan ng lunas ang sakit na sipilis kapag naagapan sa tulong ng panggagamot.[2]

Pagsasalin at paghawa

Sa mga lalaki at babae

Nalilipat ang sipilis sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon ng sakit na ito. Maaari ring makahawa ang taong may karamdaman dahil sa pagsasalin ng dugong kontaminado na ng bakterya, at maging sa paghihiraman lamang ng mga heringgilyang madudumi.[2]

Sa ina at sanggol

Naisasalin ng ina sa sanggol ang sakit na sipilis habang nasa sinapupunan pa ang bata. Tinatawag itong konhenital na sipilis (Ingles: congenital syphilis), o "namanang sipilis." [2]

Mga palataandaan at komplikasyon

Sa unang yugto

Sa yugtong ito, lumilitaw ang mga palatandaan mga tatlo magpahanggang anim na linggo makaraang mahawa. Tumutubo ang mga kanker (Ingles: chancre) o malalaking uri ng hindi makati at walang hapding mga singaw sa mga bahagi ng bibig, titi, at puki. Nawawala nang kusa ang mga singaw na ito subalit nagpapatuloy pa rin ang bakterya sa pagkalat papunta sa kasunod na yugto. Tumatagal ang unang yugto ng may isang buwan. Nananatiling nakakahawa ang sakit kahit na walang makitang mga palatandaan. [2]

Sa pangalawang yugto

Pagkaraan ng naunang yugto, nagkakaroon ang taong may sakit ng mga pamamantal sa katawan na maihahambing sa "tigdas na matigas". Umaabot ang mga pantal hanggang sa mga palad at talampakan. Lumalabas din ang mga sugat sa bibig. Nakakaramdam ang may sakit na tao ng "pamamaga ng lalamunan, sakit sa ulo, pamamaga ng mga kulani, panghihina, lagnat, pananakit ng mga kalamnan, at patsi-patseng pagkakalbo."[2]

Sanggunian

  1. "Sipilis." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik, HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong Agosto 8, 2008
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 “Sipilis”, Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: Marso 13, 2008