Pandava
Itsura
Sa epikong Hindu na Mahābhārata, ang Pandava (Sanskrit: पाण्डव pāṇḍavaḥ; o Pandawa) ang limang mga kinikilalang mga anak na lalake ni Pandu (Sanskrito: पांडु) sa kanyang dalawang asawang sina Kunti at Madri. Ang kanilang mga pangalan ay Yudhisthira, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva. Ang lahat ng limang mga magkakapatid ay ikinasal sa parehong babaeng si Draupadi. Ang bawat kapatid ay may marami ring mga ibang asawa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.