Biyola
Itsura
Ang biyola[1] (mula sa Ingles na viola /viˈoʊlə/ vee-OH-lə,[2] Italyano: [ˈvjɔːla, viˈɔːla]) ay isang uri ng instrumentong pangtugtog na mas malaki ang sukat kaysa isang biyulin. Pinapatugtog ito gamit ang hilis (bow), o kaya'y kinakalabit sa iba't ibang pamamaraan. Mayroon itong mas mababa at mas malalim na tunog kaysa biyolin.
Pagtotono
Karaniwang tinotono ang apat na kuwerdas ng biyola sa mga ikalima: ang pinakamababang kuwerdas ay C (isang oktabo sa ibaba ng gitnang C), na may G, D, at A sa taas nito. Eksaktong isang ikalima ang pagtotonong ito sa ibaba ng biyolin,[3] para mayroon silang tatlong kuwerdas na karaniwan—G, D, at A—at isang oktabo sa itaas ng biyolonselo.
Mga sanggunian
- ↑ Gaboy, Luciano L. Viola - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "viola". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ "5 Differences Between Violas and Violins". consordini.com (sa wikang Ingles). 13 Marso 2017. Nakuha noong 28 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)