[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Algerian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 03:11, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Algerian
KategoryaSerif / Display
KlasipikasyonPangdekorasyon
Mga nagdisenyoAlan Meeks at Philip Kelly
FoundryScangraphic
Petsa ng pagkalabas1988
Halimbawa ng Algerian
Muwestra

Ang Algerian ay isang pampalamuting serif at digital na pamilyang ponte na nakabatay sa ika-19 na dantaong estilo na "Glyphic" ng Keystone Foundry. Ang disenyo para sa tipo ng titik ay pag-aari ng Linotype, habang ang pangalang 'Algerian' ay isang tatak ng International Typeface Corporation. May dalawang estilo ang Algerian: 'Algerian' (regular) at 'Algerian Condensed'.

Inilikha ang Algerian (regular) para sa Scangraphic sa Letraset. Inilikha naman ni Alan Meeks, tagadisenyo sa Linotype library, ang Algerian Condensed. Bagaman nakapagpapagunita ang Algerian sa mga woodcut type noong Kapanahunan ni Victoria, inilikha ang mga kapuwang estilo noong 1988.

Katulad ng Comic Sans, nilalait ang Algerian dahil sa malawakang paggamit nito.[1][2][3] Sa simula, tanging may malaking titik ang Algerian, subalit inilabas ni Michael Hagemann, kasama ang naglalathalang FontMesa, ang isang kompletong tipo ng titik nong 2005 na kinabibilang ng maliliit na mga titik na may pangalang Algerian Mesa.[4]

Mas-naunang gamit ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang ginamit ang pangalang Algerian para sa isang foundry type na inihugis ni Stephenson Blake noong 1908. Walang kaugnayan ang kasalukuyang pamilyang Algerian sa estilong ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Blog posts documenting inappropriate usage of Algerian".
  2. "Article about most overused fonts, including Algerian". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-08. Nakuha noong 2017-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Article about bad fonts, including Algerian". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-05. Nakuha noong 2017-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "MyFonts". 21 Abril 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2009. Nakuha noong 29 Setyembre 2009. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)