Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Lens na mahanap ang nakikita mo, mas mabilis na gawin ang mga bagay-bagay, at maunawaan ang mundong nasa paligid mo—gamit lang ang iyong camera o ang isang larawan.
MAG-SCAN AT MAGSALIN NG TEXT Magsalin ng mga salitang nakikita mo, mag-save ng business card sa iyong mga contact, magdagdag ng mga event sa kalendaryo mo mula sa isang poster, at kopyahin at i-paste sa iyong telepono ang mga kumplikadong code o mahahabang talata para makatipid ng oras.
KILALANIN ANG MGA HALAMAN AT HAYOP Alamin kung ano ang halamang iyon sa apartment ng iyong kaibigan, o kung anong uri ng aso ang nakita mo sa park.
I-EXPLORE ANG MGA LUGAR SA PALIGID MO Kilalanin at alamin ang tungkol sa mga palatandaan, restaurant, at mga storefront. Tingnan ang mga rating, oras ng pagpapatakbo ng negosyo, mga makasaysayang impormasyon, at higit pa.
HANAPIN ANG GUSTO MONG HITSURA Nakikita mo ba ang kasuotang nakatawag ng iyong pansin? O ang isang upuan na tamang-tama para sa iyong sala? Maghanap ng mga katulad na damit, furniture, at dekorasyon sa tahanan sa isang gusto mo.
ALAMIN KUNG ANO ANG DAPAT I-ORDER Tingnan ang mga sikat na putahe sa menu ng restaurant batay sa mga review mula sa Google Maps.
MAG-SCAN NG MGA CODE Mabilis na mag-scan ng mga QR code at barcode.
*Limitado ang availability at hindi available sa lahat ng wika o rehiyon. Para sa karagdagang detalye pumunta sa
g.co/help/lens. Kinakailangan ng koneksyon sa internet ng ilang feature ng Lens.