[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Itlog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Itlog ng ostrits (nasa kanan), na inihahambing sa itlog ng manok (nasa pang-ibabang kaliwa) at mga itlog ng pugo (nasa pang-itaas na kaliwa).

Ang itlog ay bilugang bagay na naglalaman ng hindi pa ipinapanganak na batang anak ng mga babaeng ibon (sisiw), isda, o reptilya. Ngunit maaari rin itong tumukoy sa isang nag-iisang sihay, ang obum,[1] na nasa loob ng isang hayop o taong babae na maaaring maging isang sanggol.[2] Tinatawag na balot ang napertilisahang itlog ng bibe.[1] Tinatawag namang puga ang itlog ng mga isda o ng mga talangka.[1] Ang itlog na hindi napisa at nabulok ay tinatawag na bugok.[3]

Laman ng itlog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pula ng itlog (o apyak) at ang buong itlog ay isang mainam na mapagkukunan ng protina at kolina.[4][5] Naglalaman din ang pula ng itlog ng taba, ng lesitina (isang posporadong taba na karaniwang nasa mga lamuymoy ng sistemang pangnerbyos), kolesterol, ng protinang bitelina, mga bitamina, at mga asing mineral.[6]

Ang mga laman ng itlog ang bumubuo sa kumpletong diyeta ng lumalaking sisiw na nasa loob nito. Bilang pagkain ng tao, naglalaman ang itlog na hindi mahalagang dami ng mga karbohidrato (kaya't hindi mainam para sa mga diyabetikong kailangan sumunod sa mahigpit na diyeta), subalit mayaman ang itlog sa yero, lesitina, at apog.[6] Ang puti ng itlog o albumen ay halos isang dalisay o purong timpla ng mga protinang pinangungunahan ng albumin.[6]

Dahil sa mga nilalaman o sustansiyang nasa loob ng itlog, itinuturing ito bilang isang mabuting pagkain para sa isang taong lumalaki, taong may anemya, taong may tuberkulosis, at taong pagaling mula sa mga karamdamang malubha.[6]

Pagkanakakain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nilagang itlog ay mas matagal tunawin ng sikmura (mga dalawang ulit ang tagal) kaysa malabsang nilagang itlog. Mas tumataas ang pagkanatutunaw (dihestibilidad) ng itlog kapag binabati ito kung hilaw pa o kaya kapag tinatadtad kung nalaga na. Maaaring magkaroon ng epektong nakakaempatso o hindi matunaw dahil sa hindi sila nag-iiwan ng latak sa mga bituka at dahil naglalaman sila ng apog. Mayroon namang mga taong hindi makakain ng itlog dahil nakapag-udyok ng kapaitan o pagkakaroon ng pluwido mula sa apdo at nakapag-uudyok din ng hika at ng eksema, na maaaring dahil sa alerhiya sa puti ng itlog.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Egg - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. kahulugan ng Egg (itlog) Naka-arkibo 2009-09-17 sa Wayback Machine., pimsleur.englist-test.net
  3. Blake, Matthew (2008). "Egg". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Agricultural Marketing Service. "How to Buy Eggs". Home and Garden Bulletin. Kagawaran ng Agrikultra ng Estados Unidos (USDA) (264): 1.
  5. Howe, Juliette, Juhi R. Williams, at Joanne M. Holden. Kalipunan ng dato ng USDA para sa Nilalamang Kolina ng Karaniwang mga Pagkain Naka-arkibo 2010-12-05 sa Wayback Machine., Kagawaran ng Agrikultra ng Estados Unidos (USDA), Marso 2004, pahina 10.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Robinson, Victor, pat. (1939). "Egg". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 265-266.