[go: up one dir, main page]

Ang Tayikistan o Tajikistan,[a][b] opisyal bilang Republika ng Tayikistan,[c] ay isang bansang nasasagitna ng lupain sa Gitnang Asya. Dushanbe ang kabisera nito at pinakamataong lungsod. Napapaligiran ang Tayikistan ng Apganistan sa timog, Usbekistan sa kanluran, Kirgistan sa hilaga, at Tsina sa silangan. Nahihiwalay ito mula sa Pakistan sa Koridor na Wakhan ng Apganistan. Binubuo ng mga Tajik ang mayoryang etniko ng bansa at Tajik ang kanilang pambansang wika, isa uri ng Persa.[5]

Republika ng Tayikistan
Ҷумҳурии Тоҷикистон (Tayiko)
Jumhurii Tojikiston
Республика Таджикистан (Ruso)
Respublika Tadžikistan
Sagisag ng Tayikistan
Sagisag
Salawikain: Истиқлол, Озодӣ, Ватан
Istiqlol, Ozodí, Vatan
"Kasarinlan, Kalayaan, Bayan"
Awitin: Суруди Миллӣ
Surudi Milli
"Pambansang Awit"
Kinaroroonan ng  Tayikistan  (green)
Kinaroroonan ng  Tayikistan  (green)
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Dusambe
38°33′N 68°48′E / 38.550°N 68.800°E / 38.550; 68.800
Wikang opisyalTayiko (pambansa)
Ruso (interetniko)
KatawaganTayiko
PamahalaanUnitaryong republikang pampanguluhan sa ilalim ng awtoritaryong diktadura
• Pangulo
Emomali Rahmon
Kokhir Rasulzoda
LehislaturaKataas-taasang Asembleya
• Mataas na Kapulungan
Pambansang Asembleya
• Mababang Kapulungan
Asembleya ng mga Kinatawan
Pagbuo
• Pagdeklera ng soberanya
24 Agosto 1990
• Naideklera ang Republika ng Tayikistan
31 Agosto 1991
• Idineklara ang kalayaan mula sa USSR
9 Setyembre 1991
• Kinilala ang kalayaan
26 Disyembre 1991
• Kasalukuyang konstitusyon
6 Nobyembre 1994
Lawak
• Kabuuan
142,326 km2 (54,952 mi kuw) (ika-94)
• Water
2,575 km2 (994 mi kuw)
• Katubigan (%)
1.8
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
9,750,065 (ika-94)
• Densidad
48.6/km2 (125.9/mi kuw) (ika-155)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $53.679 bilyon (ika-119)
• Bawat kapita
Increase $5,360 (ika-148)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $11.816 bilyon[1] (ika-151)
• Bawat kapita
Increase $1,180[1] (ika-167)
Gini (2015)34[2]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.685[3]
katamtaman · ika-122
SalapiSomoni (TJS)
Sona ng orasUTC+5 (TJT)
Ayos ng petsadd.mm.yyyy
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+992
Internet TLD.tj
  1. Mayroon ang Ruso ng katayuang wikang opisyal sa pamamagitan ng paggamit nito bilang opisyal na wikang interetniko na nabanggit sa Konstitusyon ng Tayikistan.[4]

Mga teritoryong pampangasiwaan

baguhin
  1. Mga distrito sa ilalim Gitnang Hurisdiksyon ng Pamahlaan
  2. Lalawigan ng Sughd
  3. Lalawigan ng Khatlon
  4. Awtonomong Rehiyon ng Gorno-Badakhshan

Politika

baguhin

Punong Ministro ng Tayikistan

baguhin

Ang punong ministro ng Tayikistan (Сарвазири Ҷумҳурии Тоҷикистон) ay isang titulo na kinuha ng pinuno ng pamahalaan ng Tayikistan. Pagkatapos ng pangulo, ang punong ministro ang sumunod na makapangyarihang indibiduwal sa bansa. Nakikipagtalastasan ang punong ministro sa gawa ng Gabinete at nagbibigay payo at tinutulungan ang pangulo sa pangangasiwa ng mga gampanin ng pamahalaan.

Pambansang Kapulungan

baguhin

Ang Pambansang Kapulungan (Tayiko: Маҷлиси миллии, Majlisi milli; Ruso: Национальный совет Высшего собрания) ay ang mataas na kapulungan ng dalawahang kamara ng parlamento ng Tayikistan. Mayroon itong 33 kasapi : 25 ang hinalal na may terminong limang taon ng mga diputado ng lokal na majlisi at 8 na hinirang ng pangulo. Bilang isang karapatan, ang mga dating pangulo ay kasapi habang buhay.[6] Nagsisilbi si Rustam Emomali, na anak ng kasalukuyang Pangulo na si Emomali Rahmon, bilang Tagapanulo ng Majlisi Milli simula noong Abril 17, 2020.[7]

Nahalal ang dalawampu't limang kasapi noong Marso 27, 2020 at hinirang ni Pangulong Emomali Rahmon ang isang-kapat ng mga kasapi noong April, na dinala ang kabuuang bilang ng mga kasapi sa tatlumpu't isa.[8]

Kapulungan ng mga Kinatawan

baguhin

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (Ruso: Пала́та представи́телей Вы́сшего собра́ния Респу́блики Таджикиста́н; Tayiko: Маҷлиси намояндагон) ay ang mababang kapulungan ng dalawahang kamara ng Kataas-taasang Kapulungan ng Tayikistan. Naging dominanteng partido ang Partidong Demokratikong Pambayan ng Tayikistan (Tayiko: Ҳизби халқии демократии Тоҷикистон, romanisado: Hizbi xalqii demokratii Tojikiston; Ruso: Народная демократическая партия Таджикистана, romanisado: Narodnaya demokraticheskaya partiya Tadzhikistana) sa lehislatura simula pa noong 2000.

Sistema ng paghalal

baguhin

Dalawang kaparaanan ang paghalal ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan; nahalal ang 41 kasapi sa isahang-kasapi na konstityuwensya gamit ang sistemang dalawang-kurso, habang nahalal ang 22 sa representasyong proporsyonal sa isahang konstityuwensyang pambansa, na may isang saklaw ng elektoral na 5%.[9]

Talababa

baguhin
  1. /tɑːˈkɪstɑːn/, /təʔ,_tæʔ/
  2. Tayiko: Тоҷикистон, romanisado: Tojikiston, tg; Ruso: Таджикистан, romanisado: Tadzhikistan, ru
  3. Tayiko: Ҷумҳурии Тоҷикистон, romanisado: Jumhurii Tojikiston, tg

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Tajikistan)". IMF.org (sa wikang Ingles). International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 18 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "GINI index (World Bank estimate)". databank.worldbank.org. World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2018. Nakuha noong 3 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "КОНСТИТУЦИЯ РЕСПУБЛИКИ ТАДЖИКИСТАН". prokuratura.tj (sa wikang Ingles). Parliament of Tajikistan. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2021. Nakuha noong 9 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "People of Tajikistan" (sa wikang Ingles).
  6. National Assembly (Majlisi milli): opisyal na websayt (sa Ingles)
  7. "Tajik President's Son Becomes Chairman Of Parliament's Upper Chamber". Radio Free Europe/Radio Liberty (sa wikang Ingles). 17 Abril 2020. Nakuha noong 2020-04-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "PRESIDENT EMOMALI RAHMON ATTENDS FIRST SESSION OF SIXTH CONVOCATION OF NATIONAL ASSEMBLY". Ministry of Health (sa wikang Ingles). 20 Abril 2020. Nakuha noong 20 Abril 2020. Twenty-five members of the National Assembly were elected on March 27 and in accordance of his constitutional competence President Rahmon appointed one quarter of the members of the National Assembly on Wednesday. The National Assembly consist is of 31 members.{...}I would also like to congratulate Rustami Emomali on his election as the Chairman of the Majlisi Milli of Majlisi Oli (National Assembly of the Parliament) of the Republic of Tajikistan, Ahmadzoda Rajabboy and Yodgor Fayzov as Principal Deputy Chairman and Deputy Chairman of the Senate and wish them successes as well.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Electoral system IPU (sa Ingles)

  CIS