Sistemang metriko
Ang sistemang metriko ay isang pandaigdigang sistema ng pagsusukat. Una itong ibinatay sa mètre des Archives at sa kilogramme des Archives na ipinakilála noong Unang Republikang Pranses noong 1799. Sa pagdaan ng panahon, pinaigi pa lalo ang kahulugan ng metro at kilogramo, at tuluyan pang pinalawig ang sistemang metriko at nagdagdag ng iba pang yunit. Bagaman umusbong ang iba pang varyant ang sistemang metriko noong huling ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo, ang taguri ay ngayo'y nangangahulugang ginagamit bilang katumbas ng "SI"[Talâ 1] o ang "International System of Units"— ang opisyal na sistema ng pagsusukat sa halos lahat ng bansa sa mundo.
Tala
baguhin- ↑ Ang mga sumusunod na daglat ay karaniwang mula Pranses kaysa Ingles