[go: up one dir, main page]

Ang simbahan ay isang gusali o kayarian (istruktura) na ang pangunahing layunin ay mapagsagawaan ng pagpupulong ng simbahan. Orihinal na nagpupulong ang mga Hudyong Kristiyano sa mga sinagoga at sa mga tahanan nila. Nang lumaganap ang Kristiyanismo at naging tanggap ng mga pamahalaan, naglaan ng mga silid na naging mga gusali para sa lantad na layunin ng pagsambang Kristiyano. Ang tradisyunal na mga gusaling simbahan ay kadalasan nasa hubog ng isang krus at madalas na may isang tore o domo (simboryo). Ang mas makabagong mga gusaling simbahan ay may samu't saring mga estilong pang-arkitektura at mga kalatagan; maraming mga gusali na dinisenyo para sa ibang mga layunin ay ginawa nang panggamit na pangsimbahan, at gayun din, may mga orihinal na gusaling simbahan na ginagamit para sa ibang mga layunin.

Simbahan

ArkitekturaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.