Sex steroid
Ang mga sex steroidogonadal steroid o steroid pangkasarian ay mga steroid hormone na nakikipag-ugnayan sa vertebrate androgen o mga estrogen receptor. Ang kanilang epekto ay minamagitan ng mga mabagal na mekanismong henomiko sa pamamagitan ng mga nuclear receptor, pati na rin sa mga mabilis na mekanismong henomiko sa pamamagitan ng mga receptor na may kaugnayan sa membrane at mga signalling cascade. Ang terminong sex hormone, at sex steroid ay halos magkasingkahulugan. Ang mga hindi steroid hormone at mga hormone na nagpapalabas ng gonadotropin ay di tinutukoy na sex hormone, kahit na malaki ang ginagampanan nila sa pagtatalik.
Produksyon
baguhinAng mga likas na sex steroid ay gawa ng mga gonad (obaryo o bayag), glandulang adrenal, o sa pamamagitan ng paggawa ng mga sex steroid galing sa ibang pang tisyu ng katawan tulad ng atay o taba.
Mga sintetikong sex steroid
baguhinKadalasang tinatawag na mga anabolic steroid ang mga sintetikong androgen. Ang mga sintetikong estrogen at progestin ay ginagamit sa kontrasepsyonng hormonal. Kabilang sa mga sintetikong estrogen ang ethinylestradiol. May mga espesipikong kompuwesto na may bahagyang mapanlaban na aktibidad para sa mga steroid receptor. Ang mga ito ay pumapapel bilang likas na mga steroid hormone, at ginagamit sila para sa paglunas ng mga medikal na kondisyon na nangagailangan ng steroid sa isang uri ng selula.
Mga uri
baguhinAng dalawang pangunahing uri ng mga sex steroid ay ang mga androgen at estrogen, na kung saan ang pinakamahalaga ang testosterone at estradiol. Sa ibang bahagi, tinutukoy ang mga progestogen bilang ikatlong-klase na mga sex steroid. Ang progesterone ay ang pinaka-importante at natural na progestogen ng mga tao.
Ang mga androgen, ay tinutukoy bilang mga sex hormone na panlalaki, sapagkat ito ay may epektong pampalalaki, habang ang estrogen naman at mga progestogen naman, ay tinutukoy bilang mga sex hormone na pambabae, kahit na ang mga hormone na ito ay matatagpuan sa bawat kasarian, sa iba't ibang antas nga lamang.
Kabilang sa mga sex steroids ang:
- Mga androgen
- Androstenedione
- Dehydroepiandrosterone
- Dihydrotestosterone
- Testosterone
- Mga estrogen
- Estradiol
- Estriol
- Estrone
- Mga progestogen
- Progesterone