[go: up one dir, main page]

RCTV International

Ang RCTV International (kilala dati bilang Coral Pictures o Coral International) ay isang subsidiary ng Radio Caracas Television RCTV, C.A., ang kumpanya na nagmamay-ari sa Radio Caracas Television (RCTV). Ang Coral ay nabuo sa Miami, Florida noong 1982 bilang pandaigdigang tagapamahagi o international distributor ng mga programa ng of RCTV. Ito ay kilala sa buong mundo sa mahigit 48 bansa mula sa mga telenovela tulad ngCristal, Topacio, Leonela, La Fiera, Estefanía, La Dama de Rosa, Señora, El Desprecio, Kassandra, Dulce Ilusión, and Juana la virgen (2002; kinatatampukan nina Daniela Alvarado and Ricardo Álamo, at ang adventure travel series Expedition. Noong 2005 pinalitan nito ang kanyang pangalan bilang RCTV International upang bigyang pugay ang kumpanyang may hawak rito.

  • Katy Paulheim, Director of International Sales
  • Amina Galdo, Office Manager
Radio Caracas Television International
UriSubsidiary of Empresas 1BC
Industriyadistribusyon sa telebisyon (television distribution)
Itinatag1982
Punong-tanggapan,
Pinaglilingkuran
Africa, Asia, Europe, Latin America, Middle East, North America
MagulangRadio Caracas Television RCTV, C.A. (Empresas 1BC)
WebsiteOfficial homepage

Nakikibahagi ang RCTV International sa alamat na 50 taon ng kasaysayan ng RCTV Venezuela, ang "mother company" nito at isa sa mga unang komesyal na istasyon ng telebisyon sa Timog Amerika. Ang negosyanteng si William H. Phelps, ang siyang unang naglunsad ng kauna-unahang komesyal na istasyon ng radyo sa Venezuela, ang Radio Caracas Radio, ay siya ring naglunsad sa Radio Caracas Television (RCTV Venezuela) noong 15 Nobyembre 1953 sa Caracas.

Bilang laging nangunguna, kilala ang RCTV sa ipanamamalas na talento nito " pinakamahuhusay na hosts, pinakamahuhusay na news anchors, mga dakilang aktor at pinakamagagadang modelo. Ang kanilang mga orihinal at inangkat na programa ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Venezolano, at marami sa kanila ay ipinangalan pa ang kanilang mga anak sa mag bituin ng RCTV.

Lumipat sa cable ang RCTV noong 2007 matapos ang pamahalaang Venezolano ni Hugo Chavez ay tumangging i-renew ang lisensyang terestriyal o terrestrial licence. Noong 2010, ang Pangulong Hugo Chavez ay nagtanggal sa ere ng anim na cable channel, kasama ang RCTV International, dahil sa paglabag sa pag-transmit ng mga bagay tungkol sa pamahalaan. Hinikayat ng pamahalaan na alisin ng mga cable television providers na alisin ang mga hindi sumusunod.[1]

Bokasyon

baguhin

Ang RCTV ay laging nagagalak sa pagpupunyagi ng mga hangarin at namumuhunan batay sa mga teknolohiyang na pinakamakakatugon sa pamantayang mataas na kalidad. Matapos lamang ang paglunsad nito, na may bagong transmiter at sistemang microwave relay , ang istasyon ay napalawak ang signal nito mula Caracas hanggang sa lahat ng dako ng bansa. Ito rin ang unang istasyon na pinalawak ang programming schedule, na limitado hanggang sa gabi, sa pagsisismula sa tanghali muna at hanggang sa sunod ay sa umaga. Noong 1961, ang RCTV ay gumawa ng kanilang Video Tape Department at sinimulan ang color production noong kalagitnaan ng dekada 70, kahit na noong 1981 lamang pinayagan ng pamahalaan ang color broadcasts.

Telenovela

baguhin
baguhin
  1. "Venezuela TV channels taken off air= BBC UK". Nakuha noong Marso 7, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)