[go: up one dir, main page]

Ang patatas ay isang magawgaw na halamang-ugat na gulay na katutubong Kaamerikahan na kinukonsumo bilang pangunahing pagkain sa maraming bahagi ng mundo. Isang lamang-ugat ang patatas ng halaman na Solanum tuberosum, isang uri ng santaunan sa pamilyang Solanaceae.

Patatas
Mga kultibar ng patatas na ipinapakita ang iba't ibang uri ng kulay, hugis at laki.
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Solanales
Pamilya: Solanaceae
Sari: Solanum
Espesye:
S. tuberosum
Pangalang binomial
Solanum tuberosum

Matatagpuan ang mga ligaw na halamang espesye ng patatas sa katimugang Estados Unidos hanggang katimugang Tsile. Ipinakikita ng mga pag-aaral sa henetiko na may iisang pinagmulan ang patatas, sa lugar ng kasalukuyang katimugang Peru at pinakahilagang-kanluran ng Bolibiya. Nadomestikado ang mga patatas noong mga 7,000–10,000 taon na nakalilipas mula sa isang espesye sa kompleks na S. brevicaule. Maraming uri ng patatas ang nililinang sa rehiyon ng Andes ng Timog Amerika, kung saan katutubo ang mga espesye.

Ipinakilala ng mga Espanyol ang patatas sa Europa noong ikalawang kalahati ng ika-16 na dantaon mula sa Amerika. Pangunahing pagkain ang mga ito sa maraming bahagi ng mundo at mahalagang bahagi ng karamihan sa panustos ng pagkain sa mundo. Kasunod ng sanlibong taon ng paglalahing selektibo, mayroon na ngayong mahigit 5,000 iba't ibang uri ng patatas. Nananatili ang patatas na mahalagang pananim sa Europa, lalo na sa Hilaga at Silangang Europa, kung saan pinakamataas pa rin ang bawat kapita ng produksyon sa mundo, habang ang pinakamabilis na paglawak ng produksyon noong ika-21 dantaon ay sa timog at silangang Asya, kung saan nangunguna ang Tsina at Indya sa produksyon sa mundo ayon noong 2021.

Tulad ng kamatis, ang patatas ay isang yerba mora sa henerong Solanum, at ang tumutubo sa hangin na bahagi ng patatas ay naglalaman ng lason na solanina. Ang mga normal na lamang-ugat ng patatas na lumaki at nakaimbak nang maayos ay nakakagawa ng glikoalkaloyde sa napakaliit na halaga, subalit, kung nalantad sa liwanag ang mga usbong at balat ng patatas, maaaring maging nakakalason ang lamang-ugat.

Etimolohiya

baguhin

Nagmula ang salitang "patatas" mula sa Espanyol na patata. Sinasabi ng Akademyang Real na Espanyol na magkahalo ang salita ng Espanyol at ng Taíno na batata (kamote) at ang Quechua na papa (patatas).[1][2]Orihinal na tinutukoy ang pangalan sa kamote bagaman hindi magkalapit sa biyolohiya ang dalawang halaman na nauugnay, sa kabila ng kanilang katulad na hitsura. Tinukoy ng ika-16 na dantaong Ingles na herbalista na si John Gerard ang kamote bilang "karaniwang patatas", at ginamit ang mga katawagang "bastardong patatas" at "mga patatas ng Virginia" para sa espesye na kilala ngayon bilang patatas.[3] Sa marami sa mga salaysay na nagdedetalye ng agrikultura at mga halaman ay walang ginawang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa.[4] Paminsan-minsang tinutukoy ang mga patatas bilang "patatas na Irlandes" o "puting patatas" sa Estados Unidos upang mapagkaiba ito mula sa kamote.[3]

Paglalarawan

baguhin
 
Morpolohiya ng halaman ng patatas; nabubuo ang mga lamang-ugat mula sa mga suwi.

Ang mga halamang patatas ay mala-damo na mga santaunan na lumalaki hanggang mga 1 metro (3.3 tal) ang taas. Mabalahibo ang mga tangkay. May humigit-kumulang apat na pares ng mga sibol ang mga dahon. Ang mga bulaklak ay may mga kulay mula puti o rosas hanggang sa bughaw o lila; dilaw sa gitna, at polinisado ng mga kulisap.[5]

Lumalago ang halaman na may mga lamang-ugat, ang mga patatas na tinitinda, upang mag-imbak ng mga nutrisyon. Hindi ito mga ugat kundi mga tangkay na nabuo mula sa mga pinakapal na risoma sa mga tuktok ng mahabang manipis na suwi.[6] Sa ibabaw ng mga lamang-ugat, may mga "mata", na kumikilos bilang mga lubog upang protektahan ang mga begatibong usbong mula sa kung saan nagmula ang mga tangkay. Nakaayos ang mga "mata" sa anyong helikal. Karagdagan dito, may maliliit na butas ang mga lamang-ugat na nagpapahintulot sa paghinga, na tinatawag mga lentiselada. Bilugan ang mga lentiselada at nag-iiba ang kanilang bilang depende sa laki ng lamang-ugat at sa mga kondisyon sa kapaligiran. Nabuo ang mga lamang-ugat bilang tugon sa pagbaba ng haba ng araw, bagaman pinababawasan ang tendensiyang ito sa mga uring pang-komersyo.[7]

Pagkatapos ng pamumulaklak, ang mga halaman ng patatas ay nakakalikha ng maliliit na berdeng prutas na kahawig ng berdeng kamatis na saresa, naglalaman ang bawat isa ng humigit-kumulang 300 napakaliit na buto.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "patata". Diccionario Usual (sa wikang Kastila). Royal Spanish Academy. Nakuha noong 16 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ley, Willy (Pebrero 1968). "The Devil's Apples". For Your Information. Galaxy Science Fiction (sa wikang Ingles). pp. 118–25 – sa pamamagitan ni/ng Internet Archive.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 J. Simpson, pat. (1989). "potato, n". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-ika-2 (na) edisyon). Oxford: Clarendon Press. ISBN 978-0-19-861186-8.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Weatherford, J. McIver (1988). Indian givers: how the Indians of the Americas transformed the world (sa wikang Ingles). New York: Fawcett Columbine. p. 69. ISBN 978-0-449-90496-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Solanum tuberosum: Potato" (sa wikang Ingles). Royal Botanic Gardens Kew. Nakuha noong 5 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ewing, E. E.; Struik, P. C. (1992). "Tuber Formation in Potato: Induction, Initiation, and Growth". Sa Janick, Jules (pat.). Horticultural Reviews (sa wikang Ingles). pp. 89–198. doi:10.1002/9780470650523.ch3. ISBN 978-0-471-57339-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Amador, Virginia; Bou, Jordi; Martínez-García, Jaime; Monte, Elena; Rodríguez-Falcon, Mariana; Russo, Esther; Prat, Salomé (2001). "Regulation of potato tuberization by daylength and gibberellins" (PDF). International Journal of Developmental Biology (sa wikang Ingles) (45): S37–S38. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Pebrero 2009. Nakuha noong 8 Enero 2009.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Plaisted, R. (1982). "Potato". Sa W. Fehr & H. Hadley (pat.). Hybridization of Crop Plants (sa wikang Ingles). New York: American Society of Agronomy, Crop Science Society of America. pp. 483–494. ISBN 0-89118-034-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)