[go: up one dir, main page]

Tungkol sa pagdiriwang Kristyano ang artikulong ito. Para sa pagdiriwang Hudyo, tingnan ang Pesaḥ. Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskuwa (paglilinaw).

Ang Paskuwa[1] o Paskua[2][3] (Ingles: Passover[4]) ay isang kapistahang Kristiyano. Ipinagdiriwang nito ang pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto. Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito. Isinasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-22 araw sa buwan ng Nisan, na nasa unang mga linggo ng Abril.[5] Sa Bibliya, matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.[6]

Kordero ng Paskuwa

baguhin

Kasaysayan

baguhin

Kabilang sa oras ng pagkain o selebrasyong ito ang Kordero ng Paskuwa o Batang Tupa[7] ng Paskuwa (kilalá sa Ingles bílang Passover Lamb). Batay sa kasaysayan, pumatay ng isang batang tupa, ang kordero[7], ang mga Hudyo noong unang Paskuwa at inilagay o ipinahid ang dugo nito sa salalayan o balangkas (palibot na patigas) ng mga pintuan ng mga bahay ng mga tao upang "dumaan sa ibabaw" (pariralang "pass over" sa Ingles) ng tahanan ng mga tao ang Diyos at masagip, maligtas, o hindi masali sa kukuhaning mga búhay ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak na laláki.[8] Pinatay ng Anghel ng Kamatayan ang lahat ng mga panganay sa mga tahanan ng mga Ehipsiyo, subalit dumaan lámang ito sa ibabaw at hindi kinuha o pinaslang ang mga nasa tahanang Ebreo.[5]

Paghahambing kay Hesus

baguhin

Ayon sa Bagong Tipan ng Bibliya, si Hesus ang naging "Kordero ng Paskuwa" para sa lahat ng mga tao ng Diyos. Inialay si Hesus upang maligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan.[8] Si Hesus ang Kordero ng Diyos.[8][9]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Paskwa, Lucas 22:8". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), at batay din sa talababa 43 na nasa pahina 1515; at talababa 17 ng pahina 1473.
  2. "Luke 22:8 - Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)". Nakuha noong 6 Marso 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Hapunang Pampaskuwa", Lucas 22:8, Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society, addbible.com, 2005[patay na link] ISBN 971-130-042-7
  4. American Bible Society (2009). "Passover; Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  5. 5.0 5.1 American Bible Society (2009). "Unleavened Bread, Festival of". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.
  6. Abriol, Jose C. (2000). "Huwag kakain ng ano mang may lebadura". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 105.
  7. 7.0 7.1 English, Leo James (1977). "Kordero, batang tupa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 352.
  8. 8.0 8.1 8.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Passover, Lamb of God". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B6 at B8.
  9. Gaboy, Luciano L. Lamb of God, lamb - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Kristiyanismo  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.