Paghalik sa kamay
Ang Paghalik sa kamay ay isang ritwal ng pagbati at pagbigay galang. Inuumpisan ito ng taong tatanggap ng pagbati sa pamamagitan ng pagharap ng kamay na nakababa ang palad. Ang hahalik na tao ay yuyuko ng malapit sa kamay at dadampian ng labi ito habang maingat na hinahawakan ang kamay. Hindi kailangang dumampi ang mga labi sa modernong tradisyon. Ang pagbating ito ay sandali lamang at tumtatagal ng hindi hihigit sa isang segundo. Sa kulturang Pilipino, ang paghalik sa kamay ng matatanda ay simbolo ng pagbigay galang. Ito rin ay ginagamit sa pagbibigay galang sa matatanda sa Turkey. Dito, ang bumabati ay nilalapit ang kamay na inabot sa kaniyang noo.
Modernong paggamit
baguhinAng paghalik sa kamay ay binibigay ng babae sa lalake (ang lalake ang humahalik sa kamay). Ang kilos na ito ay nagpapakita ng mataas na paggalang kung saan ang binibini na nagbibigay nito ay mas mataas o kasing taas ng katayuan panlipunan ng ginoo. Ang pagtanggi nito ay sinasabing pambabastos. sa Simbahang Katoliko Romano, ang isang Katoliko ay maaring humalik sa kamay ng Santo Papa, Kardinal o iba pang mas mababang miyembro ng prelato. Sa Simbahang Silangang Orthodox, ang mga miyembro ay maaring bumati sa mga clergy tulad ng mga pari o bishop ng pagyuko at pagsabi ng "Biyayaan ka ng Diyos" habang inaabot ang mga kamay sa harap ng nakataas ang mga palad. Ang pari naman ay babasbasan ang miyembro sa pamamagitan ng tanda ng krus at nilalagay ang kamay sa nakaabot na mga palad para sa paghalik sa kamay.
Kasaysayan
baguhinAng pagkilos na ito ay kilala sa mga matataas na klase sa Europa noong ika-18 at ika-19 na siglo. Nagsimulang mawala ito noong ika-20 na siglo. Bihira na lamang ito sa mga bansa sa Hilagang Europa. Sa modernong porma ng paghalik ng lalalaki sa kamay ng babae ay nagsimula sa mga seremonya sa korte ng mga Espanyol noong ika-17 at ika-18 na siglo. Naging pangkaraniwang tradisyon ito ng mga matataas na klase sa Europa noong mga ika-18 at ika-19 na siglo. Maaring nagsimula ito bilang isang pormal na pagpapakita ng pagkamatapat ng isang tao sa isa pang tao. Ang taong ito ay nagpapakita ng kababaan sa pamamagitan ng paghalik sa signet na singsing, isang pantatak na ginagamit bilang singsing, na nagpapakita ng simbulo ng kapangyarihan mas mataas na tao.
Silipin din
baguhin- Mga asal sa pagbati
- Pagsaludo
- Kissing Hands, isang termino sa Saligang-Batas ng Nagkakaisang Kaharian