[go: up one dir, main page]

Ang Pagbagsak ng Tao o Pagkahulog ng Tao (tinatawag ding Ang Kuwento ng Pagbagsak o Ang Pagkahulog ng Tao sa kasalanan) ay ang kuwento na nasa aklat ng Henesis na nasa Torah (Lumang Tipan ng Bibliya) hinggil sa noong sina Adan at Eba, sa mga mata ng Diyos, ay nawalan ng kawalan ng malay (kamusmusan). Ayon sa Henesis, kumain sina Adan at Eba ng bunga magmula sa Puno ng Kaalaman kahit pagkaraang pagsabihan sila ng Diyos na hindi ito ipinapahintulot. Nawala ang kanilang kawalang kamalayan (kawalan ng kasalanan) at pinalayas mula sa Halamanan ng Eden na kinaroroonan ng Puno ng Kaalaman. Sa relihiyon ng Kristiyanismo, lahat ng tawa ay nawalang ng inosensiya dahil nilabag nina Adan at Eba ang kagustuhan ng Diyos at kinailangan maparusahan, kung kaya't nakikilala na sa ngayon ng mga tao ang mabuti magmula sa masama, pati na ang buhay at ang kamatayan.

Ang Pagbagsak ng Tao (1616), na ipininta ni Hendrik Goltzius.

Para sa maraming mga Kristiyano, ang Pagbagsak, ay nangangahulugan na maaarin gawin ng mga tao na maging sapat ang kabanalan upang makapasok sa Kalangitan kapag namatay na sila. Ang tanging paraan na makakapasok sila sa Langit ay kapag, ayon sa kanilang paniniwala, inaalay o isinakripisyo ni Hesus ang kaniyang sarili at gawing maaari o posible na ang mga tao ay makabalik na sa loob ng Kalangitan.[1]

Mga paniniwala

baguhin

Maraming mga tao sa Hudaismo, Kristiyanismo at Islam ang naniniwala sa kuwento ng Pagbagsak bilang katotohanan, subalit ang kanilang mga paliwanag hinggil dito ay paminsan-minsang magkakaiba. Ang Pagbagsak o Pagkahulog ay hindi tinatalakay sa Lumang Tipan, subalit ang pagpapalayas kay Adan mula sa Eden ay nasa Henesis 3, at kung ano ang naganap sa Henesis at kung ano ang nangyari sa Qur'an ay magkaibang-magkaiba.

Sa Islam, pinaniniwalaan na ang Pagbagsak ay isa lamang kaganapang pangkasaysayan at hindi nito nabago kailanman ang kalikasan ng tao.[2] Pinaniniwalaan sa Islam, dahil sa kumain si Adan ng bunga mula sa Puno ng Kaalaman, na siya at ang kaniyang asawa ay pinaalis mula sa Halaman ng Eden at pinilit na maghanapbuhay at maghirap. Subalit binigyan pa rin ng Diyos ang iba pang mga tao na matapat sa kaniya ng pagkakataon na makapasok sa Kalangitan.

Hudaismo

baguhin

Ayon sa tradisyon ng Hudaismo, ang kuwentong pambibliya ay nagsasabi na sina Adan at Eba ay malayang magpasya upang makapanghimagsik laban sa unang utos ng Diyos. Ang unang kaatasan ng Diyos ay ang huwag nilang kainin ang mga prutas mula sa Puno ng Kaalaman na nasa gitna ng Halaman ng Eden. Kinain nina Adan at Eba ang mga bunga ng puno at kinailangang pagbayaran nila ang kasalanang ito. Pinalayas sila mula sa Halamanan ng Eden, na tinatawag bilang Paraiso. Sa pagdaka, kinailangan nilang magdusa at magtrabaho upang makapamuhay. Sa paglaon pa rin, sina Adan at Eba, ayon sa Bibliya, ay naging "katulad ng Diyos". Natanggap nila ang mga handog na kaalaman, karunungan, kabatiran ng sarili (may kamalayan sa sarili) - mga bagay na nagpapakaiba sa kanila magmula sa iba pang mga hayop.

Magmula noong panahon ni Moses, itinuturo na ng Hudaismo na sina Adan at Eba ay hindi nagkasala subalit payak lamang na hindi sumunod sa kautusan ng Diyos. Sila ang unang mga tao at walang karanasan sa mga utos ng Diyos. Walang malay sina Adan at Eba sa Diyos sa mga kautusuan niya. Kung kaya't hindi naman tila maaaring magkasala o magkamali. Itinuturo sa Hudaismo na ang kasalanan ay pansarili o personal. Pinaniniwalaan sa Hudaismo na ang isang kasalanan ay isang paglabag sa mga utos ng Diyos. Magmula kay Moses, itinuturo ng Hudaismo na ang anumang kasalanan ay hindi maaaring manahin ng iba pang mga tao. Ang mga kasalanan ay hindi maaaring mamana ng ibang mga tao, hindi ng mga sanggol, ng mga bata, o ng mga adulot, natatangi na ng buong lipi ng mga tao. Naniniwala ang Hudaismo walang sinuman na nakapagmana ng "Kasalanang Orihinal". Gayon din, pinaniniwalaan sa Hudaismo na hindi nangangailangan ang isang tao ng isang panlabang bagay laban sa kasalanang orihinal. Itinuturo ng Hudaismo na, kung kailangan, ang bawat isang tao ay gumawa ng pagpihit na papasok sa loob ng sarili, at siyasatin ang sarili. Ang sinumang tao na nakadaramang siya ay makasalanan o nakukunsensiya ay maaaring manalangin ng tuwiran sa Diyos at humingi ng kapatawaran. Ang sinumang taong nakadarama na siya ay nagkasala o nagkamali ay maaaring humingi ng kapatawaran magmula sa isang tao nagawan niya ng pagkakasala o pagkakamali, kung ang isang tao ay kinakailangang makipag-ayos o bumawi at gumawa ng kabutihan bilang kapalit ng nagawang kamalian o kasalanan. Itinuturo ng Hudaismo na ang bawat isang tao ay maaaring makapasok sa kalangitan - na muli - ay maging malapit sa Diyos. Itinuturo sa Hudaismo na ang isang tao ay dapat na maging Hudyo o isang taong natatangi upang makapasok sa langit.

Ang pinaka saligan ng mga pagtuturo ng Hudaismo ukol sa kuwento ng "Ang Pagbagsak" ay ang mga sumusunod:

  • mahal ng Diyos ang lahat ng mga tao sa mundo
  • ang lahat ng mga tao sa mundo ay likas na "napakabait"; walang tao sa mundo na likas na makasalanan o masama
  • ang lahat ng mga tao ay hinihiling na gamitin ang mga handog ng Diyos (ang mga alay ng Diyos sa tao ay: ang buhay sa mundo, malayang pagpapasya, kaalaman o karunungan, kamalayan sa sarili, mga pagpapahalaga ng tao)
  • hinihiling sa Hudaismo na gamitin ang mga handog ng Diyos na mas mayroong pananagutan sa paggamit ng mga ito
  • hinihiling sa Hudaismo na manatiling nagmamahal na may katapatan sa diyos (matapat sa nakapagbibigay ng liwanag na pasaning pang-hudyo at kasiyahan sa pagsunod sa mga utos ng Diyos)

Kristiyanismo

baguhin

Sa pangkalahatan, naniniwala ang mga Kristiyano na ang lahat ng mga tao na may kaugnayan kay Adan ay ipinanganak na mayroong kasalanan at hindi kailanman makakarating sa Kalangitan. Si Hesus, na kamag-anakan ni Adan sa pamamagitan lamang ng kaniyang ina, at walang kasalanan, ay namatay para sa lahat ng mga taong nagkasala, na naglinis sa kanila. Naniniwala ang mga Kristiyano na ang sinumang nananalig kay Hesukristo ay nabigyan ng "pangalawang pagkakataon" upang makabalik sa Kalangitan, na ipinapakita sa Ebanghelyo ni San Juan: Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[3] Ang ilang mga uri ng Kristiyanismo ay mayroong bahagyang pagkakaiba sa mga paraan ng pagtanaw dito, na inilalarawan sa ibaba.

Katolisismo

baguhin

Pinaniniwalaan sa Katolisismo na ang mga tao ay ipinanganak na makasalanan, subalit mayroong malayang pagpapasya, kung kaya't malilinis nila ang kanilang mga sarili at makakapunta sa loob ng Langit pagkaraan na mabago sila ng awa ng Diyos upang naisin nilang gawin ito; kung wala ang "unang grasyang" ito ang mga taong makasalanan ay ayaw na "magpunta sa Kalangitan".[4]

Kalbinismo at Puritanismo

baguhin

Pinaniniwalaan ng mga Kalbinista na pinipili ng Diyos ang mga tao na makakapunta sa Kalangitan at pati na ang mga hindi makakapunta sa Langit. Ang mga tao ay walang pagpapasya hinggil sa "mga paksang pang-espiritu".

Ang mga Puritano ay humakbang pa nang isa pang hakbang hinggil sa paksang ito. Sinabi ng mga Puritano na ang mga tao ay walang magagawa upang makapasok sila sa Kalangitan. Sinasabi nila na gaano man kabait ang isang tao, kapag hindi siya napili ng Diyos noong kapanganakan pa lamang niya, ay hindi siya mapupunta sa Langit. Subalit, ang isang tao ay maaaring mawalan ng karapatan na mapunta sa Kalangitan sa pamamagitan ng pagiging masama.

Pinaniniwalaan ng mga Protestante na noong isinakripisyo ni Hesus ang kaniyang sarili, ginawa niyang malaya na ang mga tao magmula sa kasalanan nang magpasawalang-hanggan. Mayroong ibang mga tao ang naniniwala na noong inialay ni Hesus ang kaniyang sarili, lumaya na ang tao magmula sa kasalanan subalit hindi pa rin nakakatiyak kung siya ay makakapasok sa Kalangitan.

Kristiyanismong Liberal

baguhin

May ilang mga Kristiyano na nagsasabi na ang kuwento ng Pagbagsak na nasa Genesis 3 ay hindi naganap kailanman, subalit isa lamang itong mito o kuwento na ginamit ng mga Israelita upang maipakita ang ugnayan na mayroong ang tao sa Diyos ay naglaho na. Ang pananaw ay talagang walang pagpanig sa kasaysayan. Hindi nito sinasabi na ang ebolusyon ay isang kasinungalingan at nagsasabi na ang mga kuwento sa Bibliya hinggil sa pagkabigo ng tao sa Halaman ng Eden at ng pangangailangang masagip ng tao ay mga pagpapaliwanag ng mas malalalim na mga katotohanang pang-espiritu. Mayroon ding ilang mga Kristiyano na nagsasabing si Hesukristo ay isang Diyos na nagtatangkang magsimula ng isang bagong ugnayan sa tao.[5]

Ortodoksong Silanganin

baguhin

Ang Ortodoksiyang Silanganin ay naniniwala na ang isang anak na lalaki ay hindi nagkasal dahil sa mga kasalanan ng kaniyang ama (kung kaya't ang kasalanan ay hindi naisalin mula kay Adan). Naniniwala sila na ang mga lalaki at ang mga babae ay napilitang magkasala dahil sa mundong nasa paligid nila at kailangan nilang subukan at kailangan nilang lumaban kung nais nilang mapunta sa Kalangitan. Subalit naniniwala pa rin sila na si Adan ang nagdulot ng pagiging nagiging dapat na paghirapan o gumawa ng paraan ang sangkatauhan upang makamit ito.[6] Ang pagbibigay ng diin hinggil sa malayang pagpapasya ay magaling: kahit ang mga taong makasalanan ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng sinerhiya sa awa o grasya ng Diyos.

Pelagianismo

baguhin

Ayon sa Pelagianismo, ang mga tao ay may kakayanang malayang pumili ng mga kapasyahang mabuti o masama na hindi tinutulungan ng Diyos. Bilang dagdag, ang mga tao ay hindi ipinanganak na mayroong bahid ng kasalanan ni Adan.[7]

Mormonismo

baguhin

Sa Mormonismo, pinapaniwalaan na ang Pagbagsak ay bahagi ng isang balak ng Diyos upang mapunta sa Kalangitan ang Kaniyang mga anak. Ayon sa mga Mormon, na hindi mali ang ginawa ni Adan na pagkain ng bunga mula sa Puno ng Kaalaman, bagkus ito ay isa lamang "demosyon" o "pagkakababa" ng katayuan, katulad ng isang paglipat mula sa isang mabuting hanapbuhay papunta sa isa pa ngunit isang trabaho hindi mas mainam, bagkus ay mas mababa ang pakinabang. Isa itong paghakbang na pababa subalit umuunlad na pasulong. Ang Pagbagsak ay tinutukoy ng mga Mormon bilang isang Transgresyon (Pagsalangsang o Paglabag). Para sa mga Mormon, ang isang kasalanan ay ang kilos ng paggawa ng isang bagay na labag sa nalalamang kagustuhan ng Diyos, at ang paggawa nito ay ginusto at may lubos na pagkakaalam ng tao. Samantala, ang transgresyon ay isang paglabag ng isang batas o patakaran. Kung kaya't para sa mga Mormon, ang lahat ng mga kasalanan (sinadyang pagsuway) ay mga transgresyon (mga paglabag) ay mga kasalanan. Sapagkat si Adan ay walang kaalaman hinggil sa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama bago nakilahok sa pagkain ng bungang ipinagbabawal, ang kaniyang nagawa ay isang transgresyon o pagsuway sa batas, at kung gayon ay hindi isang kasalanan laban sa batas.

Bago kainin ni Adan ang prutas na ipinagbabawal, hindi siya maaaring mamamatay kailanman. Dahil sa hindi siya maaaring mamatay, hindi siya maaaring makarating sa kalangitan. Ang pagkain ng bunga ang nakapagbigay kay Adan ng katangian na siya ay maaaring mamatay, kaya't sa pagdaka ay maaari niyang marating ang kalangitan. Nagawa din ng pagkain niyang ito na magkaroon ng mga anak sina Adan at Eba, upang ang lahat ng mga tao ay magkakaroon ng pagkakataong mabuhay, mamatay, at mapunta sa langit. Sinasabi ng mga Mormon na kung ang isang tao ay susunod sa Plano ng Kaligtasan, ang taong iyon ay makakapunta sa langit. Pinaniniwalaan ng mga Mormon na:

  • ang mga tao ay maparurusahan dahil sa kanilang mga pagkakasala, at hindi dahil sa transgresyon ni Adan.
  • sa pamamagitan ng pagpapalubag-loob (pagtatakip ng sala) ni Kristo, ang sangkatauhan ay maaaring maligtas, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at sa mga ordinansa ng Ebanghelyo.
  • ang unang mga prinsipyo at mga ordinansa ng Mabuting Balita ay ang: una, Pananalig sa Panginong Hesukristo; ikalawa, Pagsisisi; ikatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan; ikaapat: Pagpapatong ng mga Kamay para sa kaloob ng Espiritu Santo.[8]

Simbahan ng Unipikasyon

baguhin

Ang Simbahan ng Kaisahan ay may paniniwala ay nagkaroon ng mga ugnayang seksuwal bago sila ikinasal, kung kaya't sila ay napalayas magmula sa Halamanan ng Eden. Naniniwala ang mga kasapi sa Simbahan ng Unipikasyon na ang isang "Seremonya ng Pagbabasbas" ay maaaring "makapaghugas" at makapagtanggal ng kasalanang ito.[9]

Simbahan ng Unidad

baguhin

Ang Simbahan ng Pagkakaisa ay naniniwala na ang "Pagbagsak ng Tao" ay mayroong isang mahalagang kahulugan, subalit hindi ito isang tunay na kaganapan sa kasaysayan.[10]

Unibersalismong Unitariano

baguhin

Naniniwala ang mga Unibersalistang Unitariano na ang mga tao ay taal o likas na mabuti, at ito ang pinakamahalagang handog sa kanila, na katumbas ng malayang pagpapasya, na nagpapahintulot sa mga tao upang kumilos nang may kamalian kung minsan, sa halip na magkaroon ng predestinasyon o tuksong panlabas. Ang Pagbagsak ay isang kuwento, talinghaga, at alegoriya, subalit hindi isang kasaysayan. [11]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Christian clarity article - The Fall of Man". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-03-28. Nakuha noong 2004-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Islam Online - Prophethood[patay na link]
  3. Juan 3:16 (Ang Salita ng Diyos), biblegateway.com
  4. The Fall in the Catholic Church
  5. Ang mga pananalita ni John S Spong[patay na link]
  6. Q&A on Original Sin in Orthodox religion
  7. "Pelagius: To Demetrias". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-17. Nakuha noong 2013-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-03-17 sa Wayback Machine.
  8. The Articles of Faith of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints
  9. Unification Church na nas The Free Dictionary
  10. Unity Church Creed (Kredo ng Simbahan ng Pagkakaisa)
  11. Beliefs Within, uua.org

Mga kawing na panlabas

baguhin